Chapter 1

2.1K 113 2
                                    

Nagising na lamang si Daniel na nakahiga sa damuhan. Agad itong bumangon at tiningnan ang kanyang paligid.

"Huh?"  Naguluhan si Daniel sa kanyang nakita.

Pilit niyang inalala ang mga huling pangyayari. Sa kanyang pagkakatanda ay nagpadala ng mensahe ang system tungkol sa mangyayaring Server Maintenance. Nabanggit din na ang mga PDD players ay makakatulog lang sa nasabing proseso dahil hindi sila pwedeng maglog-out kumpara sa mga normal players. Kaya ang huling ginawa ni Daniel ay natulog na lamang siya sa magandang hotel sa isang baryo, kaya ngayon ay nagtataka siya kung bakit sa ganitong lugar siya nagising.

"Ewan! Makapagteleport na nga lang." Sabay sigaw ni Daniel, "Warp list!"

Huh? Kumunot na ang noo ni Daniel ng walang lumabas na window message para sa listahan ng mga lugar.

Bug ba to?  Isip ni Daniel.

"Game system!" Sumigaw uli siya pero wala pa ding nangyari.

"Aaaaargghhhh!!" Sa galit ni Daniel ay sinuntok niya ang lupa at malaking bahagi nito ang nawasak. Agad siyang tumalon palayo sa gumuhong lupa bago pa siya madulas.

Atleast hindi nawala ang lakas ko.

Umupo nalang muna si Daniel para mag-isip kung anong nangyayari at ano ang dapat niyang gawin.

Bakit nga ba nagmaintenance ang server?

Sa pagkakaalala ni Daniel ay nagkabit ng bagong mundo ang mga developer ng PolyKingdom  Online. PolyKingdom Online ang pangalan ng laro kung saan si Daniel ay tinanghal na isa sa pinakamalakas na manlalaro. Dito ay nakamit niya ang pinakamataas na level na 255 at may maximum sa lahat ng stats na 9999, hindi pa kasama ang bonus stats.

Napunta kaya ako sa bagong mundo na kinabit nila sa laro? Pero bakit di ko magamit ang game system. Hindi ko din makita ang character info ko.

Minasdan ni Daniel ang suot niya at napansin niyang may nakasabit na maliit na sako sa kanyang bewang. Medyo sumaya siya sa nakita dahil ito ang 'Magic bag' na regalo sa kanya ng server. Kumpara sa mga Magic bag ng ibang players, ang Magic bag ni Daniel ay sobrang laki ng espasyo sa loob. Sa panlabas na anyo ay aakalain mong ordinaryong supot lang ito pero ang loob ay naglalaman ng mga sangkatutak na pera at mamahaling gamit at sandata sa laro. 'Ni hindi nga alam ni Daniel kung hanggang saan ang limitasyon ng kanyang bag.

Tiningnan niya ang loob nito, punong puno pa din ng mga kumikinang na gamit, kasuotan, sandata at mga barya. Kumuha siya ng isang espada dito at winasiwas sa ere.

Maya maya ay sumigaw si Daniel, "Fire Slash!" Sabay wasiwas ni Daniel sa hawak niyang espada.

Nanatili lang nakatayo si Daniel, gulat ang mukha dahil hindi nangyari ang kanyang inaasahan.

Nawala ang mga skill ko? Babanggitin sana niya ang Skill list ngunit naalala niyang hindi gumagana ang system.

Hmmm, wala akong skill pero mukhang hindi naman nagbago ang level at stats ko. Hindi ko alam kung nasaan ako, kelangan ko humanap ng malapit na baryo nang may matanungan ako.

Hindi alam ni Daniel kung saan siya pupunta kaya nagsimula nalang siyang maglakad nang hindi iniisip kung saang dereksiyon pupunta. Matapos ang mahabang paglalakad sa damuhan ay napadpad siya sa kagubatan. Hiling niya na sana sa likod nito ay may matagpuan na siyang baryo o makakita lang ng tao at may mapagtanungan lang.

Habang naglalakad si Daniel sa loob ng kagubatan ay may natanaw siyang kakaibang nilalang sa 'di kalayuan. Nang makalapit siya ay bigla siyang nagulat sa kakaibang anyo ng nakita niya.

Ano to? Wala akong naalalang ganitong nilalang sa PolyKingdom.

Tumalon-talon ang nilalang na may malaking katawan ng palaka at muka ng unggoy papalapit kay Daniel. Naramdaman niya ang masamang intensiyon ng nilalang na ito kaya inihanda ni Daniel ang kanyang sarili sa darating na panganib.

Mabilis na tumalon ang kakaibang nilalang patungo kay Daniel habang nakaporma ito na susuntukin siya. Pero para sa paningin ni Daniel, ang galaw na iyon ay sobrang bagal kaya agad niyang sinalag at kinuha ang kamao nito, pagkatapos ay inihagis niya ang nilalang papunta sa isang malaking puno. Sa sobrang lakas ng hagis ni Daniel ay nabasag ang ulo ng nilalang at may bumagsak na maliit na kulay berdeng hiyas galing sa ulo. Dinampot ito ni Daniel at tiningnang maigi, kumikinang ito na animo'y isang alahas. Dahil hindi alam ni Daniel kung ano ito ay inilagay niya nalang ito sa loob ng kanyang Magic bag.

Nagpatuloy sa paglalakad si Daniel, umaasa na makalabas sa dulo ng kagubatan na ito. Sa paglalakad niya ay madami siyang presensiyang naramdaman sa paligid, malayo man o malapit. Sumaya siya dahil alam niyang ito ay isa sa mga passive skill niya na Presence Detection. Hula niya ay nawala ang mga active skills niya dahil kailangan pa ito iactivate pero ang mga passive skills niya ay automatic na lagi nang nakaactivate sa kanyang katawan. At isa na dito ang Presence Detection kung saan nararamdaman niya kung mayroong presensiya ng tao o anumang nilalang sa kanyang paligid. Lalo siyang sumaya ng makaramdam siya ng presensiya ng pitong tao isang kilometro ang layo sa kanya. Kung magcoconcentrate siya ng maigi ay kaya umaabot ng limang kilometro ang distansiya na naaabot ng kanyang skill.

Sa wakas, may matatanungan na din ako. Masiglang nagmadali si Daniel papunta sa kinaroroonan ng pitong tao. Nang maramdaman niyang medyo malapit na siya ay binagalan niya na ang kanyang pagtakbo. 

"Boss! Ang gaganda ng Mag-inang to, jackpot tayo!"

"HAHAHA! Tama, makasiping ko lang silang dalawa ay pwede na ko mamatay!"

"HAHAHAHA!"

Natanaw ni Daniel ang limang maskuladong lalake na pinapalibutan ang dalawang babae. Ang isang babae na mukang dalaga ay nakayakap sa isang babae na mas matanda sa kanya. Kahit medyo malayo ay malakas pa din ang pandinig ni Daniel at kitang-kita niya ang mga nangyayari.

Hmmmm. Nag-isip si Daniel kung ano ang kanyang dapat gawin sa ganitong sitwasyon.

Whole New WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon