12

5.6K 100 69
                                    

Feelings

"De Alba. . .mine. . pfft!" Nana burst out laughing and lay on their carpet.

I squinted in frustration. Lorenzo's voice keeps echoing in my head and it's driving me crazy. Lalo pang lumala iyon dahil sa pangagaya ni Nana!

Bumangon ito. "Sabi sa'yo crush ka ni Lorenzo e! Maniwala ka sa'kin."

Umiling ako. "Alam mo ang gusto niya? Ang kupalin ako araw-araw, Nana."

Napasulyap ako sa hagdan nang may marinig na ingay doon. Inabangan ko kung may bababa pero wala. Nandito kasi ako ulit sa bahay nila Nana. Nakikigamit ng laptop para masimulan na ang research.

I saw Henry a while ago and talked to us abit then after that he went upstairs. Hindi pa siya ulit bumababa.

"Huh? Nagpapapansin lang iyon!"

Bumalik ang atensyon ko kay Nana. Nakakunot na ang noo ko.

"Sige nga, think carefully. May iba ka bang nakitang inaasar si Lorenzo? Na babae ha."

Nag-isip ako saglit. "Ikaw."

"Sino pa?"

"Layana at Villaroel."

"Iba iyon sila! Syempre kaibigan iyon ni Lorenzo. Pero pagdating sa'yo, ang dalas. Ikaw palagi ang nilalapitan niya. Para siyang aso na laging nakabuntot sa'yo."

"Dahil hobby niya nang sirain ang araw ko."

"No, Narra. Look. Don't you get it? Paraan niya lang iyon para makausap ka! Ang asarin ka."

"Nana, mahilig nga lang mang-asar iyon. Hindi mo ba nakikita kung paano niya pikunin si Elene?"

"Pero ikaw, kaibigan ka ba niya?"

Nagningning ang mga mata ni Nana. It seems like she's expecting something from me.

"Hindi." Apurado kong sagot.

"See? Hindi ka niya kaibigan kasi Kaibigan ang tingin niya sa'yo!" She laughed again  like she won the lotto.

"Kalokohan." I mumbled.

Kung ano man ang iniisip ni Nana, imposible iyong mangyari. Una, ang kapal naman ng mukha ni Lorenzo. Kitang kita ng buong school ang kalokohan niya. Tila nagpapalit lang siya ng brief kung magpalit ng babae. Pangalawa, kupal lang talaga siya. Mahilig mantrip at mang-asar. Danas na danas ko iyon nitong mga nagdaang mga taon. Wala siyang pinipiling oras at lugar ng pamimikon sa akin. Kaya itong sinasabi ni Nana na crush ako ni Lorenzo ay talagang nakakatawa.

"Paano kung tama ako? Give me a thousand pesos."

I smirked. "Sige."

Nana flashed a challenging smile. "That's a promise! Swear it!"

She held out her pinky, signaling me to make a pinky promise. Without thinking twice, I went along with it. I promised to give her a thousand pesos if it turns out Lorenzo likes me. A thousand pesos? Why should I stress about paying Nana when it's not even going to happen?

It's hard to believe Lorenzo actually likes me. He just made it even clearer by flirting with his new girl right in front of me the other day.

"Nakikinig ka ba?" Sita ko nang hindi niya ako pansinin. Patuloy lang siyang nakikipagtuwaan sa babaeng kausap.

Maaga ang dismissal ngayong araw kaya naman bago tumulak sa trabaho ko, napagpasiyahan kong kausapin si Lorenzo. I don't care if he doesn't want to talk to me because of what happened that night. Ang grades ko ang nakasalalay dito. Paano ba naman kasi, pinakiusapan ko ulit si Ma'am Genieva na ako na lang ang gagawa pero ayaw niya talaga. Wala tuloy akong choice kundi pilitin si Lorenzo na makipagcooperate. Bagay na mukhang mahihirapan ako.  Ang arte ng dambuhalang tao na 'to, gusto pa ata ay susuyuin pa siya. 

After The Fall (THE PRESTIGE 4)Where stories live. Discover now