Night Duties

1.1K 34 5

"There are 121 reasons why this story isn't for you but, if you are willing to accept another slap of reality then, continue. Tss." Napa busangot ako at pabagsak binaba ang libro sa desk ko.

"Walang kwenta naman itong libro. May nalalaman pang 121 reasons. Hindi naman pala para sa akin itong libro. Ba't ko pa babasahin?" Pinasadaan ko na naman ng basa ang pamagat ng libro.

Umismid na ako at tinabig ang libro papunta sa dulo ng desk ko.

"Hoy! Ano na namang problema mo at mainit na naman ulo mo?" Naka ngising naka tingin na pala sa akin si Hernandez na nasa tabi ng desk ko.

"Eh kasi naman, binigyan ako nung isang dalagitang natulungan natin nung isang araw ng isang libro. Sabi niya, siya daw ang gumawa ng libro, eh tingnan mo naman." Inabot ko ang libro sa kanya. Tinuro ko ang pabalat nito.

"Para sa mga single. Title pa lang ng libro, pang PBB teens na. Haist. Mga kabataan talaga ngayon." Napa buntong hininga nalang ako at tuwang tuwa na namang naka titig sa akin si Hernandez.

"Ikaw naman kasi, masyado kang bitter. Palibhasa, puro mga kriminal lang ang nakaka salamuha mo sa araw-araw." Napa iling iling si Hernandez at binalik sa akin ang libro. Napa irap nalang tuloy ako sa sinabi niya.

"Ano namang connect ng pagiging pulis ko sa librong to?"

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo eh. Masyado kang manhid. Masayadong slow. Ang ibig kong sabihin ay hindi ka nag kaka love life, dahil puro trabaho lang ang inaatupag mo."

"Hoy lalake! Wag mo ngang pinapakialaman ang buhay pag-ibig ko. Makakahanap din ako balang araw ng lalaking para sa akin no." Tuluyan ko nang itinago ang libro bago humarap sa mga papeles. Makapag trabaho na lang kaysa pansinin ang pang aasar ni Hernandez sa akin.



"Ano ba?! Bitawan ninyo nga ako! Hindi ninyo ba alam na anak ako ni Konsehal Espanto?!" Nagsisigaw ang isang kadadating na lalaki. Pinipilit niyang kumakawala sa pagkakahawak ng dalawang kasamahan naming pulis.

"Officer Vergara at Hernandez! Kayo na bahala dito!" Tumayo ako agad pati na rin si Hernandez at iginaya namin sa harap ng desk namin ang kaninang nagwawalang binata. Kasunod na umupo din sa tapat ng desk ko ang isang babaeng siguro'y nasa edad kinse kasama ang isa pang babae. Ito siguro ang ina niya.

"Ito yung report galing sa barangay nila. Kayo na ang bahala." Sabay naming binasa ni Hernandez ang nasa folder.

Tiningnan ko ang dalagang naka kapit sa braso ng kanyang ina. Physical and sexual harassment.


"Ehem." Sabay napatingin sa akin ang dalawang panig dahil sa pag tikhim ko.

"Hija, kelan pa to nangyayari?" Umupo na ako habang nagsimulang magtipa sa computer.

"Si—simula po noong dinala ako ni inay sa pinag—pinag ta trabahuan niya. Sa bahay po nila konsehal." Naka yuko yung babae habang binibigyan siya ng masamang tingin ng binata.

"Ibig sabihin ginagalaw ka na niya simula pa noon? Ilang buwan na?" Walang bahid ng kahit ano mang emosyon sa boses ni Hernandez nang magsalita na siya. Ito ang gusto ko sa kasamahan ko e, kayang kaya niyang magtago ng emosyon.

"Halos, halos apat na buwan na po." Yumuko na naman yung dalaga nang magsalita yung lalaki.

"Ang kapal ng mukha mo! Oo, nakikita kita sa bahay pero hindi kita tipo no." Kunot noong tinitigan ko ang lalaki sabay ng pagtingin sa file niya.

"Sir, alam ko pong walang pinag aralan ang anak ko pero, alam ko din pong hindi niya po kayang magsinungaling." Naawa ako sa ina ng dalaga. Halata ang galit niya sa kanyang kulo kulobot na mukha pero, halatang pilit niya rin itong tinatago.

Night DutiesBasahin ang storyang ito ng LIBRE!