Ito ang opisyal na Guidebook ng WattpadFanFicPH. Naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol sa Wattpad, mga tips at how to's, at sa mga dapat pa ninyong malaman tungkol sa profile. Halina't sabay-sabay tayong matuto!
Ang pagbibigay atensyon sa manners at pagpapakita ng kabaitan ay gagawing mas kaaya-aya ang karanasan ng lahat sa Wattpad at sa loob ng maraming community profiles dito. Nagbahagi kami ng ilang Do's at Don'ts upang makatulong na panatilihing positibo ang mga bagay:
Para sa higit pa, maaari mong bisitahin anghowtousewattpad profile.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pag-a-advertise ng iyong kuwento sa Wattpad:
DO - tingnan angProfile Directory at International Profile Directory ng aming ambassador-led profiles at konsiderahin ang pagsusumite ng iyong kuwento sa kanilang mga reading list. Binibigyan nito ang mga mga manunulat ng mahusay na exposure.
DON'T - i-advertise ang iyong kuwento sa message boar ng ibang user, o sa mga komento sa kanilang mga kuwento (maliban na lamang kung sinabi na nila na maaari mong gawin ito). Ganito rin sa community-led at ambassador-led na mga profile.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pagboto:
DO - bumoto kung nasiyahan ka at nais mong suportahan ang kuwentong iyong binasa
DON'T - makisali sa vote trading, pag-aalok ng boto bilang isang reward, o panunuhol sa mga tao gamit ang mga boto.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pakikipag-ugnayan sa mga profile:
DO - makipag-ugnayan nang mabuti sa message board ng mga profile at mga komento. Bigyan ang iyong sarili ng oras upang mag-isip bago ipadala ang iyong mensahe.
DON'T - manggulo sa mga profile. Hindi ito pinatatakbo ng mga computer. Totoong tao sila kagaya mo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Paghingi ng tulong:
DO - magtanong sa mga profile. Tutulungan ka namin nang may ngiti sa aming mga labi!
DON'T - kalimutang maraming resources sa Help Centerng Wattpad. Maaaring palagi kang may mahanap na impormasyon doon.