Ito ang opisyal na Guidebook ng WattpadFanFicPH. Naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol sa Wattpad, mga tips at how to's, at sa mga dapat pa ninyong malaman tungkol sa profile. Halina't sabay-sabay tayong matuto!
Nahihirapan ka bang mag-navigate minsan sa Wattpad? Alam namin na ito ay isang malaking lugar. Ang resources na ito ay makatutulong sa pagsagot sa ilan sa mga nag-aalab na tanong na iyon, tulad ng Paano kung ang isang bagay ay hindi gumagana nang maayos? Paano kung ayaw akong lubayan ng isang tao? Paano gumagana ang lahat ng ito?
Ang kahit na anong salitang nakalinya ay mga link. Pindutin ang mga iyon at madidirekta ka sa help pages at kapaki-pakinabang na impormasyon.
Para sa higit pang impormasyon, maaari mong bisitahin ang howtousewattpad profile.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nais mo bang mapahusay ang iyong user experience?
Nag-iisip ka ba kung paano i-tag ang iyong kuwento upang mabigyan ito ng mas mahusay na pagtuklas? Makakikita ka ng mga tip tungkol sa pag-tag DITO.
Gusto mo bang kontrolin mo kung anong mga kwento ang inirerekomenda sa iyo? Maaari mong i-toggle on o off ang mga tag o i-block ang ilang partikular na tag upang tukuyin ang iyong nais na content. Matuto nang higit paDITO.
Alam mo bang may ilang paraan upang makapaghanap ng mga kuwento gamit ang mga tag?
MGA TAG: Ang mga mambabasa ay maaaring maghanap ng mga kuwento gamit ang mga tag upang ma-filter at madepina ang search. Kung naghahanap ka ng mga kuwento tungkol sa romansa sa isang CEO ng isang malaking kompanya, maaaring gamitin mo ang mga tag na ito: #ceo #romance #billionaire
Kapag mas maraming tag ang ginamit, mas magiging pino ang iyong search.
Maaari ka ring magbukod ng mga tag kapag ikaw ay nag-search. Halimbawa, i-type ang #romance at -fanfic upang makakuha ng mga kuwentong romance na hindi nagsasama ng mga fanfic. Idagdag lamang ang minus (-).
Kung gusto mo ng malawak na seleksyon ng lahat ng mga kuwentong gumagamit ng isang salita o genre, gamitin ang search criteria na ito: wattpad.com/search/insert word here
Kung nais mong maging pinuhin ang iyong search para sa top ranking (Hot List) na mga kuwento, gamitin ang search criteria na ito: wattpad.com/stories/insert word here
Kung nais mong i-adjust ang iyong reading preferences, tulad ng pag-a-apply ng dark mode o pagpapalit ng font size, maaari mong matutunan kung paano gawin iyon DITO.