Totoo kaya

29 14 0
                                    

Balitang pasalin dila ang naririnig tuwing umaga
Hindi batid ngunit kanilang sinasalita
Mga impormasyon na kahit ako hindi makapaniwala
Ikaw, iyong mga katha na hindi kapanipaniwala ang kanila sa akin binibida


Hindi na nais pang maniwala sa mga gawaing wala namang wastong kahihinatnan
Mga gawi mong mas malabo pa sa tsokolate na iniinom ko kanina
Mga komplementong batid kong puro pakaliwa ang tunay na paksa
Bakit pa pilit binibigyan ng kabuluhan ang gawi mong pangkatuwan


Isang umaga noong magsimula nanaman sa agam-agam
Hindi masisi ang ilan kung bakit kanilang pinaalam
Batid nila yong nararamdaman na pilit binibihisan ng kasinungalingan
Ramdam nila ang tensyon sa ating pagitan, na sana hindi nalang naramdaman


Bawat pagbuka ng labi at at galaw ng dila na dala'y balita na nakakapanginig laman
Nararamdaman hindi sinambit, pagkat bawal at walang karapatan
Bakit sila'y nagsihagikhikan na tila may nalalaman
Pagsinta'y hindi naman bulgaran
Ngunit batid ang katotohanan na sa Ilan may misterysong pagitan


Mga gawi sa tuwing ika'y naryan ay iba raw ang kahulugan
Napansin ngunit ayaw pansinin ng tuluyan
Batid naman na simpleng nakaw na pagsinta lang pwedeng ilaan
Kirot ang dulot sa pagkat tulad ka ng ibong adarna noong hawak ng Don Juan


Sila'y hindi papigil sa paghatid ng balita na kahit itangi saya rin ang dulot
Ngunit agam-agam hindi mawala, puso'y parang pinipiga may ugat na nakapulupot
Balita sana'y hindi magdulot sa akin ng puot
Sapagtkat katotohanang sa kanya siya ay iba ang na dulot


Pangalan ang sambit tuwing umaga, totoo kaya?
Hanap ng mata sa tuwing ako'y wala sa upuan na laging takbuhan ng mata,  totoo ba?
Madalas ibida sa kaklaseng kasabay mo tuwing umaga, totoo nga ba?
May katotohanan kaya ang mga nakararating sa aking salita


Pag narinig mo sana ang pyesa ay 'wag ka nalang magsalita
Huwag mong itanggi at wag rin sana patutuhanan sa iba
Hayaang ikaw nalang sana ang may alam kung totoo ba
Lubos ang ligaya sa aking isipin kung totoo kaya

Pagsinta Where stories live. Discover now