Naka Pula

41 12 0
                                    

   
Tulala minamasdan ang pagkalma ng karagatan
Pag-agaw ng pulang kulay sa kalangitan sa bandang kanluran
Pagdilim ng paligid, pag-ilaw ng papel na may kalumaan
Hampas ng alon nagpabalik sa katinuan

Sa dami ninyong nakapula , Ikaw ang nag-iisang kuminang
Sayo naituon ang paninging akala ko'y matagal nang kinalawang
Pusong matagal naging payapa dahil sa nakaraang kasugatan
Bigla mong ginambala magmula noong pagpasok mo sa pintuan.

Hindi naman talaga espesyal noong unang tumapak sa paaralan
Ngunit hindi maikakaila na sinundan ka ng mata kalaunan
Pangalan na madalas binabangit, noong iyong sinambit tila tumamis
Tinging hindi maalis, sa isip nais kang ipaglaban kahit kay Artemis

Wala na yong araw, ngiti'y nabura sandaling naalala ka
Wala na rin yong pananggala, hindi na maikakaila, gusto na ata kita
Mali pa ata ng ginamit na salita, sa mararamdaman na pagkabalisa lagpas na sa salitang gusto kita
Hindi pa naman umabot sa salitang mahal kita, pinipigilan dahil sa kanya ka

Hindi na nga matignan sa mata sa tuwing ika'y kasama
Balisa sa kaiisip paano ang Umaga , ganito nanaman  ang. eksina
Bakit sa dami pa naman ng kaklase, sayo pa itinabi
Hindi naman masisi si ma'am dahil kahit ganon masaya parin Ikaw ang katabi

Pagsinta Where stories live. Discover now