Epilogue

10.4K 388 175
                                    

Epilogue

                                     ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆


Christian Ryle Buenavista

"Maridel, umuwi ka na. Alam naman nating hindi na rin ako magtatagal pa, si Ishan, ang anak mo.... walang mag aalaga sakaniya...."

"Oo, uuwi ako, nay. Kakausapin ko pa kasi si William, hindi ako pwedeng umuwi riyan nang hindi niya alam. Baka maudlot pa ang pagpapakasal ko at ang citizenship ko rito."

Patuloy ang pag butones ko sa aking uniporme habang ang mga tenga ay nakikinig sa usapan ng aking lola at ina.

"Asikasuhin mo rin ang passport ni Ishan, isama mo riyan sa'yo. Maiintindihan naman 'yan ni William."

Buti kung isama ako.

"Nay, paulit-ulit na natin 'tong pinag-uusapan, 'di ba? Naririndi na rin ako. Kung ito lang din ang pagtatalunan natin, papatayin ko na lang ang tawag. Basta uuwi ako riyan sa katapusan."

Wala na akong sumunod na narinig mula kay mama kaya palagay ko ay naputol na nga ang linya.

"Wala talagang kwenta iyang anak niyo, 'di ba? Kakabit kabit tapos iiwan sainyo ang responsibilidad. Ang aga kasing kumerengkeng, hindi inisip ang buhay natin. Naka kuha nga ng foreigner, sarili niya lang naman ang inangat niya," rinig kong bunganga ni Tita Meli, ang kapatid ni mama.

"Hindi ko na iniintindi ang kapatid mo, malaki na siya at madiskarte. Ang tanging inaalala ko na lang ay ang apo kong si Ishan. Sino na lang ang magaalaga sa apo ko kung wala na ako? Hindi na rin naman ako magtatagal," saka ito umubo-ubo.

Isinukbit ko ang spiderman na bag sa aking kanang balikat saka kumaripas ng takbo para kumuha ng tubig."Tubig, la. Huwag na po kasi kayong mag-isip ng kung ano-ano. Walang ibang magaaalaga sa'kin kun'di kayo."

Hinimas nito ang aking clean cut na buhok at ngumiti. "Itong apo ko na 'to ang buhay ko. Salamat kay Maridel at nagsilang siya ng ganito kagwapo at kabait na Ishan."

Si Lola naman. Hindi ba puwedeng maganda na lang? Iritado pa nga ako rito sa Spiderman na bag na pinadala ni mama kahit sinabi kong iyong Lilo and Stitch na lang para hindi naman halata.

"Kaya nga magpalakas pa kayo lalo, La, para matagal na panahon mo pang makita ang kagwapuhan na 'to...." kagandahan...

"Sus! Ganiyan din mang-uto ang nanay mo bago kumerengkeng at kumabit sa tatay mong isa pang walang kwenta. If I know kapag lumaki ka lalandi ka lang din, baka nga mag bisyo pa at wala rin kaming mapala sa pagpapalaki sa'yo. Kung ano pa naman ang puno, siya ring bunga. "

Hindi na bago sa akin ang makarinig ng ganitong salita mula kay tita Meli. Parang sirang plaka ko na iyang naririnig at kabisado ko na lahat ng pasaring.

Noong una masakit. Gabi-gabi ko iyong iniiyakan dahil masyado pa akong bata para makarinig ng mga ganoong salita. Paano nila nagagawang husgahan ang batang katulad ko na may matayog na pangarap?

Sila ang pangarap ko. Magsusumikap ako dahil gusto ko silang iahon sa kahirapan at bigyan sila ng buhay na marangya. Paano nila nagagawang pangunahan ako sa kabila ng pangarap ko para sakanila?

"Iyang si Ishan, lalayasan din kayo niyan kapag nag binata o magandang sabihing.....nag dalaga na?" Makahulugan ang naging tingin nito saka mataray na iiling-iling dala ang mga gamot ni Lola.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko ang lamig ng metal na bagay na inabot ni Lola.

Sampung piso.

"Pasensya na, apo, iyan lang ang kayang ibigay ni Lola, e. Naglagay ako ng isang biscuit sa bag mo, sa pangalawang zipper. Mamayang hapunan ka na lang bumawi, nag-request ako ng paborito mong sinigang sa Tita Meli mo."

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon