Silver 40

8.6K 289 144
                                    

This is the last chapter of Under The Silver Light from Ced's point of view. Thank you for all the love and support that this story received. Mahal na mahal ko kayo!

See you at the Epilogue, Fillies!

_______

Under The Silver Light 40

                                    ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆

"Bakit ganiyan mukha niyan?"

"Oo nga, lalong pumanget, e," dagdag ni Cadence.

Ayan na naman ang mga pet peeves ko. Hanggang sa huling taon namin sa college hindi pa rin sila nagsasawang sirain ang araw ko.

Sabagay, makita ko pa lang ang mga mukha nila sirang-sira na, e. Talent na yata nila kasi kahit wala silang ginagawa, naiirita na ako.

"Tatlong araw na raw silang hindi nagkikita ni Ishan kaya nababaliw," sagot ni Jacob.

Umirap ako. Pinaalala pa talaga, kitang mababaliw na 'yung tao rito sa gedli, e.

Umayos ng upo ang kararating lang na sina Paulo at Cadence sa harapan ko. Narito kami ngayon sa lounge dahil katatapos lang ng huling subject namin ngayong finals.

Nauna lang kami rito dahil sila ang bumili ng lunch namin sa cafeteria.

"Ba't hindi kayo nagkikita? Anong drama niyong dalawa?"

Umirap ako. "Mama mo drama!"

"Ah mama ko drama pala, ah? Sana dalawin ka ni mama mamayang gabi," sagot ni Cadence.

Pucha. "Joke lang eto naman," sabay tingin sa taas. "Mapagbiro lang ako, Tita. Joke lang 'yon, peace be with you po!"

"Peace be with you, ginawa mo namang misa puta ka!"

Imbes na mag drama tuloy ako ay natawa na lang din ako.

"Ano ba kasi dahilan ba't hindi kayo nagkikita ni Ishan?"

Sumimangot ako noong naalala na naman na ilang araw na akong malungkot. "Thesis."

Cadence nodded when he heard my answer. "Oo, may thesis defense sila sa Biyernes."

"Pero nagkikita kayo?"

"Oo naman, hindi iyon makakatiis na hindi ako makita. Atsaka sa unit niya ako nakatira, paanong hindi kami magkikita?"

"So si Ishan kayang tiisin si Cedrix?" naka nangising tanong ni Jacob.

Kunwaring nag isip naman si Paulo kahit wala naman talaga siya no'n. "Gano'n na nga. Sino ba naman si Cedrix kumpara sa thesis defense, 'di ba? Siyempre mas mahalaga 'yon."

"Hoy! Hindi kayo nakakatulong sa totoo lang," sita ko sakanilang tatlo.

Natatawa sila. "Hindi naman talaga kami tumutulong."

Tangina nila talaga. My pet peeves.

Ishan and I were not living together. Madalas siyang sa unit ko matulog pero hindi siya totally lumipat sa akin. Some days, especially when hell weeks are coming in, sa unit niya siya nag-s-stay just like this week.

Dahil nagsabay ang finals at thesis defense nila ngayong linggo, ako ang nag-suffer doon. Ishan's an academic achiever. He strives hard to be on top.

Of me.

Kidding.

Isang linggo na rin siyang nasa unit niya habang padalaw-dalaw lang ako pero nitong huling tatlong araw, hindi niya na talaga ako pinapayagang pumunta sa unit niya.

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon