Under The Silver Light 39
⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
"Anong ginagawa mo?"
Hininto niya ang pagkakakalkal sa dala niyang gamit at sinamaan ako ng tingin. "Naghahanap ng panakip dito sa kahayupan mo," sabay turo sa kaniyang leeg na puno ng chikinini.
I looked at those hickeys with a proud face. Baka gawa ko 'yan? That's what you called an art.
Makulay, e. Pulang-pula.
"Sinong nagmakaawa ng hickeys kagabi, Bao? Sa pagkakatanda ko kasi ikaw, e."
Umirap lang siya at muling naghanap doon ng tinawag niyang concealer. Nakapag park na ako pero hindi pa rin siya tapos kaya nauna na muna akong bumaba dahil naghihintay si Papa.
Nasabi ko lang sakaniya na uuwi ako, pero hindi ko nasabing iuuwi ko na rin ang manunugangin nila.
"Ganda ng ngiti natin diyan bata, ah?" bungad na pang-asar ni Papa.
Mayabang akong sumandal sa bumper ng sasakyan at inginuso ang passenger seat. "Dinala ko na."
"Ang alin?"
"Hindi alin, Pa.... sino..."
Kumunot naman ang noo niya. "Sino? Tao ang dala mo?"
Ngumisi ako at bumulong sakaniya. "Dala ko na iyong ipinangako kong ipakikilala ko."
Nanlaki ang mga mata nito at binatukan ako. Aray naman! Grabe naman ma-excite 'tong tatay ko, mapanakit. Nahawa na kay mama.
"Pa'no mo nauto?"
"Baka ako ang inuto?" Dinaan ba naman ako sa Corny-tto este Cornetto. Napa sabak nga ako agad sa labanan kagabi, e.
"Yabang mo, boy!" naka ngisi niyang sinabi. "Buti na lang masarap-sarap ang niluto ng Mama mo para sa hapunan. Pumasok na kayo at ipakilala mo na agad sa Mama mo."
Tumango ako at dumiretso na sa sasakyan habang si Papa ay pumasok na ulit sa loob.
"Hi, baby!"
Umirap lang siya ulit. "Halata pa ba?"
"Hindi na," sagot ko. "Patungan ko ulit ng bago?"
"Siraulo! Umalis ka nga riyan!" sabay tadyak sa akin pero mas lalo akong lumapit sakaniya.
Araw-araw naman kaming magkasama ni Ishan, kagabi nga ay halos matikman na namin ang kaluluwa ng isa't-isa pero heto, nami-miss ko pa rin siya.
"Give me a kiss, Baobei," parang bata akong ngumuso sakaniya.
Umiling sya, naka ngiti na rin bago lumapit sa akin at hinalikan ako ng ilang beses bago yumakap sa akin. "Kinakabahan ako, Bao."
"Bakit? Magugustuhan ka nila gaya sa kung paano kita nagustuhan. Kahit sino gugustuhin kang makilala, Ishan."
"Paano kung hindi nila ako tanggap? Tayo. Paano kung paghiwalayin nila tayo? Kung buhusan ako ng tubig ng Mama mo tapos offer-an niya ako ng isang bilyon para layuan ka?"
Tangina.
Kababasa niya 'yan ng mga libro at kaka-movie marathon niya 'yan, e. "Paano kung ganoon nga ang mangyari? Anong magiging desisyon mo?"
Walang dalawang isip siyang sumagot. "Siyempre tatanggapin, isang bilyon na 'yon, e."
Wow, ah? Salamat na lang talaga. Salamat sa lahat-lahat, Ishan. Isinubo ko pa naman tapos ipagpapalit lang ako sa isang bilyon?
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light
RomanceBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix COMPLETE Sweet Serenade Series #2