Mind Games
"Ate ang gaganda nito!"
"Wow! Ate, Kuya, Nay! Kasya ang sapatos ko!" Nagtatalon si Andres, suot na ang bagong sapatos.
"Salamat, Ate Narra!"
Ngumiti ako nang sabay akong halikan nina Rowan at Roman sa magkabila kong pisngi. Si Andres naman ay yumapos sa akin habang ako ay naka-squat para mapantayan ang height nila.
"Spider man cover sa akin panis!"
"Mas maganda naman itong Sponge Bob oi!"
Pumagitna na si Mary at kinuha ang mga notebook para masimulan nang balutan ng plastic cover.
"Tama na iyan. Parehas kayang maganda! Andres, sigurado bang ayos lang ang sukat?"
"Opo, Ate. Hindi na ako aasarin ng mga kaklase ko!" Natutuwang sabi ni Andres.
Nagkatinginan kami nila Mary at Mama. Si Mama ay busy sa mesa, naghihiwa ng rekados para sa ulam naming sinigang. Sobra lang iyon sa pera ko kanina. Natigil lang din siya dahil sa sinabi ng kapatid ko.
"Huh? Bakit ka inaasar nun, Kuya Andres?" Si Roman, nawala ang atensyon sa bagong mga gamit.
"Binubully ka ba?" Tanong naman ni Rowan, tunog nang-aamba.
"Ano ang sinasabi sa'yo, 'nak?" Si mama.
Ngumiti si Andres. "Para raw akong daga, Ma. Nasira pa nga nila ang sapatos ko pero hindi naman ata sadya."
Sumikip iyong dibdib ko.
"Pero idol ko kasi si Micky Mouse! E diba te cute si Micky Mouse? Edi cute rin ako?"
No, Andres. That wasn't a compliment at all.
Mas mahirap ba kami sa daga? Na para may makain ay manguha pa sa iba? Na madumi kami? Walang permanenteng tirahan? Hindi kami gano'n.
"Pupunta ako sa eskwelahan mo, Andres. Kakausapin natin ang teacher mo patungkol doon."
"Narra, hayaan mo na. Baka naman away bata lang iyon."
Gusto kong matawa sa sinabi ni Mama.
"Ma, narinig mo ba iyong sinabi ni Andres? Palagi siyang inaasar ng mga kaklase niya. Ng daga!"
"Totoo naman, Ate. Cute ang mga daga!" Iyong kapatid ko.
"Kuya Andres!" Suway ni Rowan.
Lumuhod si Mary kay Andres. "Inaaway ka ba ng mga kaibigan mong nagsabi sa'yo nun?"
Umiling si Andres. "Hindi ko po sila kaibigan. Wala akong kaibigan sa school, Ate."
Nag-iwas ako ng tingin sa kapatid ko.
"Baka hindi ka nakikipagkaibigan, Andres?"
Kunot noo akong nag-angat ng tingin kay Mama. Bakit niya tinatanong ng ganiyan si Andres?
"Ma." Suway ko.
Huminga ito nang malalim at lumapit din kay Andres. Hinaplos haplos nito ang buhok at hinalikan sa pisngi.
"Subukan mo lang 'nak? Panigurado ay matutuwa iyon sila sa'yo. May bago ka ng sapatos. Hindi ka na nila aasarin."
"Sige po, Ma. Kakausapin ko sila bukas at ipapakita ang bago kong sapatos."
Gusto kong umalis doon. Gusto ko na lang tumalon sa hinaharap. Baka doon, masagana na ang buhay namin. Doon ay hindi na nahihirapan ang mga kapatid ko. Doon ay may mga kaibigan na sila dahil hindi kami mahirap.
"Narra, 'nak, hayaan mo na. Ganoon talaga ang mga bata."
Patuloy si Mama sa pagpigil sa akin na huwag ihatid si Andres sa school habang ako ay inaayos ang bag ng kapatid ko. Hindi ako pumasok ngayong umaga dahil gusto kong ireklamo iyong mga batang iyon.

YOU ARE READING
After The Fall (THE PRESTIGE 4)
General FictionThe Prestige Series 4 Narra has always had one goal in mind: to graduate with top honors. She's been driven by the desire to succeed, not just for herself but for her family too. As the breadwinner, she carries the weight of her family's hopes on he...