Under The Silver Light 37
⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
"Huwag ka ngang tumingin."
Ngumisi ako at inilapit pa lalo ang mukha sakaniya. Ang ganda pa lang gumising sa umaga kung si Ishan ang katabi?
Parang mababaliw ako.
"Good morning, Baobei!" bati ko sakaniya sabay dampi ng halik sa tungki ng kaniyang ilong.
Kung kanina ay pinipilit niya pang matulog at isiksik ang mukha sa comforter namin, ngayon ay titig na titig na siya sa akin.
"You called me Baobei...." untag niya. "I'm your Baobei now? Again?"
Ayoko sanang maging clingy pero tangina ang tagal ko 'tong pinangarap, e. Muntik pa ngang masira ang atay ko sa Black Label noong nasaktan ako kaya ngayon na masaya ako, pwede namang sulitin na, 'di ba?
Niyakap ko siya at isiniksik ang mukha sakaniyang leeg. Mabilis naman niyang iniyakap ang kanang kamay sa akin at hinimas ang aking buhok.
"Ikaw lang naman talaga ang Baobei ko. Wala namang iba, Ishan. Ikaw lang kahit noon."
Dahil sabado, nag presinta siyang magluto para sa agahan naming dalawa. Bitbit ko si Coco habang pinagmamasdan ko siyang nagluluto roon.
"Ang ganda mo."
Umiling siya. "Baka nakakalimutan mong lalaki ako?"
"Alam ko. Hindi ka ba pwedeng maging maganda dahil sa lalaki ka?"
"Bolero."
Nangingiti ko na lang siyang tiningnan. Mas pinili ko na lang huwag munang mang-asar at sulitin ang oras na iyon na malaya ko na ulit siyang natititigan.
Sabi ko patatagalin ko ang panliligaw niya para
maramdaman ko namang kahit minsan ay patay na patay sa akin si Ishan kaso traydor din itong nararamdaman ko.Wala, e. Aminin ko man o hindi, halata namang sobrang mahal ko talaga siya kaya kaunting salita at lambing, bumibigay na agad ako.
Bahala na. Sabi nga sa kasabihan...
Take the risk or lose the chance.
Kung masasaktan ulit ako at masira na nang tuluyan ang atay ko sa kaiinom, bahala na. Kaysa naman habang buhay kong pagsisihan na hindi ako sumugal ulit.
Isa pa, ngayong pinagmamasdan ko si Ishan, mas lalo ko lang ginugustong alagaan siya. I want him to feel what love is. I want to give him the family he didn't get the chance to have.
Gusto kong iparanas sakaniya na pwede siyang mahalin nang walang kapalit at alinlangan. Na mayroon siyang ako na handa siyang panindigan.
At diligan..
Ay, hindi pala 'yon kasama sa script. Lumabas si inner self. Itatago ko muna.
"Tulog ka na ba?"
Inangat ko ang mukha ko mula sakaniyang leeg at umiling. "Gusto ko lang ubusin ang amoy mo," saka muling sumiksik sakaniyang leeg.
Iyon na yata ang pinaka komportableng paraan ng paghiga sa tanang buhay ko. Kahit walang aircon o electric fan, kama, o unan, kaya ko pa ring makatulog kung katabi ko si Ishan.
Naglalaro siya sa cellphone ko habang naka higa kami sa kama at naka yakap ako sakaniya. Umuwi siya kanina sa unit niya para maka ligo pero wala pang isang oras noong katukin ko ulit siya dahil miss ko na agad siya.
"May nag-text sa'yo," sabi niya sabay bigay sa akin ng cellphone ko.
Hindi ako umalis sa pagkaka yakap sakaniya at siksik sa leeg niya. "Sino?"
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light
RomanceBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix COMPLETE Sweet Serenade Series #2