Silver 35

10K 383 325
                                    

Under The Silver Light 35

                                     ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆


Ishan Buenavista:

Good morning! Pumasok ako sa unit mo, nag iwan ako ng sinigang. Maaga kasi ang pasok ko ngayon kaya hindi na kita maaasikaso. Mag pagaling ka :)


Chat ni Ishan ang bumungad sa akin noong Lunes na iyon. Totoong nagulat ako. Tinitigan ko pa iyon ng higit limang minuto, sinasampal-sampal ang sarili kung totoong siya nga ba ang nag-chat no'n.

May sinat pa rin ako pero nabawasan naman na ang bigat ng katawan at sakit ng ulo. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina noong makita ko ang puting mangkok na may sinigang na hipon na naka takip doon.

Totoo nga.

May note pa iyong kasama at tatlong gamot.

'Good morning! Call me when you need anything. Inom ka ng gamot please!'

Putangina.

Edi wala na 'yung sakit. Magaling na magaling na.

"Tingin mo naman bibigay ako sa ganiyan mo?" sabi ko sa sarili habang iniinit ang sinigang na niluto niya para sa akin.

Mamayang ala una pa ang pasok namin. Kaya ko naman na kahit paano kaya papasok pa rin ako.

Habang kumakain, hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga ginagawa ni Ishan. Naka tulugan ko na kagabi ang sinabi niya pero natatandaan kong hinalikan niya ang sentido ko.

Hindi ko lang din mawari kung totoo ba iyon o guni-guni ko lang. Isa pa, nasabi niyang wala naman daw magagalit ngunit hindi klaro kung ano ang tinutukoy niya.

May hinala na ako kung ano pero minabuti kong huwag pansinin. Ayoko nang bigyan ng kahulugan ang lahat ng ginagawa niya hangga't hindi niya kinaklaro ang lahat. Ayoko rin namang magtanong dahil gusto kong kusa niyang ibigay ang sagot.

Nakakapagod ding mag-initiate palagi. Ako na lang palagi ang gustong makarinig ng katotohanan kung pwede niya naman iyong kusang ibigay.

"Ced, may nagpapabigay."

Pumasok ang BA student dala ang fresh pineapple juice at veggie salad. May stall kasi sila, part of the project ng mga Business Ad students pero wala naman ako natatandaang um-order ako.

"Para sa'kin? Hindi naman ako um-order."

Tumango siya. "Iba ang nag-order para sa'yo. Bayad naman na 'yan. Sige, una na ako."

"Teka!" tawag ko. "Sinong um-order?"

"Siya na lang daw po ang magsasabi sainyo, sir. Request lang din ni customer," sagot niya.

Tumango ako at nanatili ang tingin sa pagkaing nasa lamesa na. Noong tingnan ko iyong tatlo ay naka nagising aso na sila sa akin.

"Pucha, sikat!" pangunguna sa pangaasar ni Jacob.

"Kapal ng libag! Siya pa nililigawan oh! Sino ba 'yan, pre?"

Umirap ako. "Hindi niyo na kailangang malaman."

"Wala 'to, guys. Naglilihim na si baby boy."

Hayop na Cadence 'to. "Sino bang unang nag lihim sa'ting apat?" balik ko.

Sumimangot siya. "Dedma sa basher."

Hindi pa rin sila tumigil sa pag-aasaran noong makatanggap ako ng mensahe. Text na iyon at hindi lang chat.

Unknown Number:

Natanggap mo ba iyong in-order ko? Para sa'yo 'yan. Alam ko namang ayaw mo ng gulay pero kailangan mo niyan para gumaling ka na agad, may midterm pa tayo sa Wednesday. Ubusin mo, ah?

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon