45: Attorney.

101K 787 17
                                    

At dahil hindi ko kayo matiis eto na po ang next chapter ko. Ang lakas nyo sakin e :-) this chapter is dedicated to @yourfangirl Salamat dear. Godbless =)

 

Life is too precious & too short to sit around regretting lost opportunities.

PREVIEW:

"Bagay na bagay sila, hindi lang yun kaya nya ding ihandle yung amo nating masungit"

Chapter 45:

 Gabs POV

"Maraming salamat talaga Mr. and Mrs.Tan! Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan! Maraming salamat!" umiiyak na sabi ng mommy ni Rui. Naibalik na kasi namin sya sa mommy nya, nakakatuwa kasi magkasama na sila kaso nakakamiss din yung kakulitan ni Rui

"Wala pong anuman yun, napakabait na bata po ni Rui alagaan nyo po sya" tumango sya habang patuloy sa pagluha. Nilapitan ko si Rui hinalikan sa pisngi saka ako nagpaalam

"Huwag ka ng pupunta sa kung saan ha? Be a goodboy" ngumiti sya pati na rin si Mike

"I will miss you" ayy ang sweet naman :"] "And you too Mr." 6 years old ba talaga sya? Parang hindi e.

"Sige po Mrs.Castillo aalis na po kame, bye Rui" nakangiting paalam ko, naks! Ang gwapo ni mylabs! Kumakaway kasi sya kay Rui e. Hihi.

"Bye Ruiboy!" paalam nila Mikah. Magkakasama kasi kaming pumunta sa resort ng mommy nya, diretso na din kami sa airport pauwi ng Manila

Magkakasama kami sa van, ako, sila Mike, Mikah, Runo, Kin, Nico, Kyle, pati na rin yung tatlong ugok. Sa likod kami nakaupo katabi ko si Mikah na kanina pa busy kakatext. Hm.. Sino kaya katext nito?

"Gab?" napalingon ako kay Mike na seryosong nakatitig sa mukha ko

"Ano yun mylabs?" seryoso lang sya

"Mahal kita" ee naman ih! Ayaan nanaman po ang kilig ko sakanya! :">

"Mahal din kita mylabs!" niyakap ko sya sa leeg tapos hinalikan ko sya sa pisngi ng madaming madame

"Teka Gab, dahan dahan lang hindi ako-- oho! Oho!" bahala ka dyan mylabs hindi kita titigilan

"Ang sakit! Araay!" napalingon naman kami lahat kay Mikah

"Mikah bakit?" sabay na tanong namin ni Mike

"Sa sobrang sweet nyo pati ako nilalanggam!" napanganga ako, pick up line ba yun? "Hehe peace" sabi nya at nag peace sign pa

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon