Silver 33

7.4K 306 267
                                    

Under The Silver Light 33

                                    ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆

Mabilis lumipas ang linggo. Sina Paulo at Cadence ay hindi pa rin nagkikibuan. Nahihirapan nga kaming dalawa ni Jacob dahil naiipit kami sakanilang dalawa.

"Ano? Kay Cade ka?"

Tumango sya. "Ikaw muna kay Paulo. Tangina kasi ang arte! Lakas maka chiks, e."

Tumawa ako. "Wala tayong magagawa, pre. Nagkaroon tayo ng kaibigang matampuhin, e."

"Kausapin mo na rin, nagsasawa na ako sa mukha ni Cadence."

Ano pa ako? Bukod sa sawang-sawa ako sa mukha ni Paulo, iritang-irita rin.

"Ikaw na naman?"

Binatukan ko siya. "Buti nga nagmamalasakit pa ako sa'yo."

"Edi thank you," sarkastiko niyang sagot sa akin bago iharap sa akin ang extra shawarma rice na order niya.

Um-order pa naman ako, paano ko mauubos ang dalawa? Ayoko pa naman maging salawahan. Joke. Si OA.

"Magbati na kayo ni Cadence, pre. Nahihirapan na rin kami ni Jacob, e. Kayo ba, hindi ba kayo nahihirapan? Ikaw, pre?"

Umirap siya. "Hindi naman ako tututol kung bading siya. Ikaw nga sinuportahan ko... kahit nga ang sa—basta! Basta hindi 'to tungkol sa kasarian niya at relasyon niya kay Verancia. Iyong tiwala kasi, Drix. Alam niyo naman 'yon, e."

Tumango ako. Kung mayroong higit na nakakakilala kay Paulo, kami iyon. Kami nila Jacob at Cadence. Pareho ko silang naiintindihan ng rason. Si Cade, natakot lang din at nagkaroon ng agam-agam na baka hindi siya matanggap and it's okay.

Sa kabilang banda, mayroon nang past issue pagdating sa tiwala si Paulo kaya noong nalaman niyang alam na namin ni Jacob pareho, pakiramdam niya hindi siya belong.

Naiparamdam namin sakaniya ng hindi sadya na hindi namin siya pinagkakatiwalaan at na-trigger na naman ang trauma niya. And that's valid.

Both of their reasons and where they are coming from are both considered and valid. Tingin ko kailangan lang talaga nilang mag-usap pareho.

"By the way, gustong kunin ni Rowela ang number mo. Maganda 'yon, pinsan ni Nabi. Rowela Tiamzon? Sa Western U nag-aaral, sikat din. Bisexual ka naman, 'di ba?"

Sumimsim ako sa iniinom na shake. "Pass."

"Puta! Hindi ka pa move on, 'no?"

"Hindi naman gano'n kadali." Dahil kung madali lang, edi sana taken na ako ngayon at masaya. Sana nakalimot na ako.

"Baka mamaya magulat ako niluluhuran mo ulit?"

Umiling naman ako. Iyon ang bagay na sa ngayon, hindi na mangyayari. Masyadong masakit. Naaawa ako sa naging kalagayan ko noon at ayoko nang bumalik pa ulit sa gano'n.

"Hindi na, pre. Hindi ko pa nakakalimutan 'yung tao pero at the same time, ramdam ko pa rin 'yung sakit at ayoko na. Ayoko na nang gano'ng pakiramdam na parang kawawa."

"Hala may tumulo!"

Pinunasan ko ang bibig. Baka sa iniinom ko. "Saan?"

Itinuro niya ang mukha ko. "Luha, pre. Tumulo ang mga luha mo," sabay hagalpak niya nang napaka lakas.

Kahit harapan ang pwesto namin na napapagitnaan ng lamesa ay nagawa ko pa rin siyang batukan. "Alam mo? Putangina mo!"

"I love you more, pre!"

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon