Silver 32

8K 320 190
                                    

Under The Silver Light 32

                                    ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆

"Ikaw ba, Ced? May girlfriend ka ba?"

Hindi ko alam kung paano napunta sa ganito ang usapan namin. Kahit kasi madaldal ako, nalilimitahan ng presensya ni Ishan ang pagsasalita ko lalo pa sa kanina kong nasabi.

Aaminin kong nakaramdam ako ng konsensiya. Hindi ko rin alam kung paano ko nakayanan iyon sabihin. Hindi rin naman dahil sa nabasted at sinaktan niya ako kaya nasabi ko iyon.

Hindi ko lang talaga nagustuhan kung paano niya pinagbintangan at binigyan ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Rio kahit noon pa man, noong hindi ko pa alam na magkapatid sila ay ayos kami.

Ang dating kasi sa sa akin ay gumagawa pa rin ako ng paraan para mapalapit sakaniya which is hindi totoo. Natanggap ko na.

Nasa proseso na ako ng pagkalimot kaya nga ayos na rin itong nakikita at nakakausap ko siya hanggang sa mamulat na lang ako na isang araw, hindi na ako natatablan sa kaniyang presensya.

"I don't have a girlfriend. I'm totally single, may irereto ka ba?" biro ko.

Tumawa siya at mukhang sineryoso dahil nag isip siya bago ituro ang sarili. "I nominate my self."

Hinampas siya nang mahina sa braso ni Ishan bago pandilatan ng mata. So, he knew that Rio's gay?

Si Rio kaya.... alam niya?

"Si Kuya Ishan napaka KJ. Joke lang, okay? Pero pwede rin naman, pogi si Cedrix, e."

Tumawa ako. "Wala namang kaso sa akin," sakay ko sa biro niya. Halata naman kasing nagbibiro talaga siya.

"Oh! Wala pa lang kaso kay Cedrix, e. Ligawan mo na ako. Promise hindi ako magpapakipot," sabay kindat sa akin.

Tumawa ako at tumango-tango. "When will I start? Bukas na agad?"

"Gusto mo ngayon na, e, tapos bukas tayo na."

Humagalpak ang tawa ni Rio noong tumayo ang kapatid niya at nagpaalam na mag-re-restroom.

Nakaka ihi ba ang topic?

"Ang KJ talaga no'n ni Kuya. Napaka introvert kasi, mahiyain pa. Ayaw niya kasi ako mag-boyfriend kaya gano'n ang reaksyon, nakakatawa."

Ah, kill joy.

"Does your brother know about...." Hindi ko na binanggit dahil hindi ko alam kung tama bang sabihin or what pero mukhang naintindihan niya naman.

"Yup. He knows and he's very supportive. Ayon nga lang, super strict din."

Tumango-tango ako. Then, how about Ishan? Does Rio knew about his sexuality? Ayoko namang itanong dahil hindi niya alam na magkakilala kami. Isa pa, I'm not in the right position to ask that question.

Marami rin kaming napag-usapan at nabanggit ni Rio na biro niya lang iyong ligaw-ligaw at gusto niya lang asarin ang kapatid niya.

Kahit ako parang gusto ko rin ang ideya.

"Kuya, tingin mo mag-wo-work kami ni Cedrix kung magiging kami?"

Tangina!

Iritado naman ang mukha ni Ishan. "Pinagsasabi mo? Tigilan mo 'yan, Rio."

"Bakit? Ikaw lang dapat ang may lovelife?" tanong ni Rio pero biglang nag ngising aso. "Ay, oo nga pala, single ka na."

Huh?

Sinong single? Si Ishan?

Single siya?

I thought....

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon