Silver 31

8.8K 345 303
                                    

                          This chapter is dedicated to
                                        @ms_sxndxn

Under The Silver Light 31

                                    ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
        

"Anong ginagawa mo rito?"

Hawak niya pa rin ang kaniyang ulo noong mas lumapit sa akin. "May tune-up game kami sa MVP team ninyo, mamayang hapon ang game namin."

Oo nga pala, rookie player siya ng University sa Cavite. Kilala kaya siya ni Cadence? O kaya siya, kilala niya kaya ang kaibigan ko?

"Uniform niyo?" sabay turo sa suot ko.

Bigla naman akong ginapangan ng hiya roon sa hindi malamang dahilan. "Ah, oo."

"Bagay sa'yo."

Nag patay malisya na lang ako dahil wala talaga akong masabi. Napag alaman ko rin na kaya pala siya narito kahit mamaya pa ang laro nila ay dahil hinahanap niya raw ang Engineering department.

Hanggang kay Rio ba naman hindi pa rin ako lulubayan ng mga Engineering na 'yan?

"Pwede bang magpasama? Hindi ko kasi alam kung saan ang building nila, kanina pa ako palakad-lakad."

Anak ng tokwa! Pwede bang pass?

Eguls kapag may nakita, e.

Mukhang nakita niya ang pag-aalangan sa mukha ko kaya mabilis siyang ngumiti. Lumabas tuloy iyong malalim niyang dimple sa kaliwang pisngi.

Ang cute rin pala talaga ni Rio?

May kamukha siya.

Hayop.

"Sige, okay lang, Kuya. May klase ka pa yata, e."

I raised a brow. "What's with the formality? Akala ko nagkasundo na tayo the last time na wala nang kuya? Isang taon lang ang tanda ko sa'yo, e."

"Ay, oo nga pala," sabay pakita ng dalawang daliri. "Peace."

"Be with you..." dugtong ko.

Matagal niyang iprinoseso ang joke ko bago tuluyang natawa. Ang slow? May naalala na naman ako.

"Ang funny mo pala?"

Umiling ako. "Funny-walain."

Humalakhak siya muli. Ang babaw namang tao nito ni Rio. Wala pa yata akong gagawin o sasabihin, naka tawa na siya, e.

"Ayan ang building ng department nila. Alam mo na pabalik sa gymnasium?"

Tumango sya. "Oo, natandaan ko naman. Salamat, Cedrix!"

"Sino pa lang pupuntahan mo? Crush mo 'no?"

Umiling siya. "Hindi, ah? Mamaya ko pa lang kikitain ang crush ko."

Naks! Pumapag-ibig. Sana huwag siya magaya sa'kin na may mahal ng iba ang nagugustuhan. Kapag nagkataon, sabay pa kaming mapapa Black Label.

Pero mukhang hindi siya nag-iinom. May natatandaan nga ako sakaniya pero ayoko na lang alalahanin.

"So, sinong pupuntahan mo?"

"Iyong kapatid ko. Minsan lang kasi kami magkita kaya ngayong nandito kami, kikitain ko na."

Oo nga pala, nabanggit niya noon na may kapatid siyang taga rito sa Eastern U. Sino kaya ang kapatid nito? Kuryoso rin ako, e.

Pero kahit anong kuryosidad ko, hindi ko matagalan ang building na iyon. Isa pa, may klase na rin ako ng alas diyes kaya nagpaalam na ako kay Rio.

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon