Naririnig kong nagaaway na naman sina Mama at Papa. Nandito ako ngayon sa kwarto, dahil kakarating ko lang galing sa office.
"Wala ka pa bang balak pabalikin anak mo dito?" galit na tanong ni Mama kay Papa.
"Wala pa, hanggat hindi titino anak mo" sagot ni Papa.
"Hindi mo man lang ba namimiss anak mo?" iyak na sambit ni Mama.
"Ano ba?! Pauli-ulit na lang ba?!, syempre namimiss ko anak natin." pasigaw ni Papa. "Hanggat hindi natutunan ng anak mo ang parusa niya, hindi siya uuwi dito, parusa na niya yon" dagdag ni Papa.
"Mag aapat na taon na ang parusa mo!" sigaw ni Mama na naiiyak.
Naramdaman kong napaupo si Mama dahil sa iyak kaya napagdisisyonan kong lumabas ng kwarto at puntahan sila.
"Mamaaa" tumakbo ako agad at niyakap si Mama.
"Sorry pero para din to kay Colet" lumuhod si Papa at hinalikan kami sa noo.
Kasalanan din kasi to ni Colet, kong hindi lang siya matigas ang ulo hindi kami magiging ganto lalo na si Mama, halos sa tuwing maalala niya si Colet, iyak na lang siya ng iyak. Kaya hindi ko din masisisi si Papa sa kaniyang ginawa, para din yon kay Colet.
________________________
FLASHBACK
Third Person's POV
Papasok na sina Colet, Gwen at Mikha sa kanilang paaralan na University of Star Academy. Sila ang mga anak ng may ari ng school kaya may karapatan sila kong ano ang gusto nilang gawin. Sila ang gumagawa ng rules ng school kaya kong sino man ang lumabag at hindi sumunod sa utos nila ay mapaparusahan.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Guys! waahhh! nandito na ang B-3!" sigaw ng isang estudyante. Ang meaning ng B-3 ay The 3 Breathtakers. Ang leader nila ay si Colet at sina Mikha at Gwen naman ay nagbibigay din ng utos at rules.
"Hi Mikha" pagbati ng isang estudyanteng babae na may hawak ng box of chocolates. Inabot niya ito kay Mikha pero ngumiti lang si Mikha at hindi pinansin ang box ng chocolate.
"Gwen! Hello!" Pagbati ng isang estudyante na pasigaw, dahilan para mapatakip si Gwen ng tenga.
"Kairita" iritang sambit ni Gwen at hindi pinansin ang babae.
"Colet!" ngumiti ang isang estudyante at inabot ang isang box ng pizza. Tinanggap ito ni Colet at nagulat ang lahat ng estudyante.
"Hala, tinanggap ni Colet" sambit ng isang estudyante.
Tinanggap niya ito, pero tinanggal ang isang piraso na ketsup at pinunit ito at nilagay sa uniform ng estudyante dahilan para madumihan ito. Tinapon naman agad ni Colet ang box ng pizza at umalis na.
"For your Information, hindi kumakain si Colet ng Pizza lalo na kong spicy" sambit ng isang estudyante na pangalan ay Stacey, kilala si Stacey bilang kikay girl sa school at laging nakapink na damit at naka hair pin palagi.
Hindi lang ito ang mga ginagawa ng B-3, hindi sila matatawag na Breathtakers kong wala sila ginagawa na ikakawalan mo ng hininga.
Tulad nito---
Pumasok ang isang estudyanteng lalaki sa Main Exclusive Room. Ang Main Exclusive Room ay para lamang sa B-3.
"Boss Colet, may bago daw transferee" sambit ng estudyanteng lalaki na hingal na hingal.
"Bakit hindi ko to alam" sagot ni Colet habang nagbabasa ng magazine sa kanyang mesa. "Dalhin niyo siya dito"
"Yes boss" sagot ng estudyante at lumabas ng room.
Tumingin lang sina Mikha at Gwen sakanya habang nakaupo sa kanilang mesa.
Nilapag ni Colet ang kaniyang Magazine at sumandal sakaniyang upoan.
Sa limang minutong paghihintay ay biglang bumukas ang pintoan.
"Boss Colet, ito na po siya" sambit ng estudyante na hawak-hawak ang transferee.
Tumayo si Colet at lumapit sa transferee.
"So ikaw ang bagong estudyante" tiningnan niya ito ng masinsinan. "Kilala mo ba kami?" tanong ni Colet, "Ayy sandali, ano pala pangalan mo?"
"Kyle po" sagot ng transferee na kinakabahan.
"Kyle, kilala mo ba ako?" tanong ulit ni Colet. "SAGOT!" sigaw niya.
Siniko ng isang estudyante si Kyle para sumagot ito. "Sumagot ka na." bulong nito.
"H-hindi po" sagot ni Kyle na nanginginig.
Napailing na lang sina Gwen at Mikha sa likod dahil sa sagot ni Kyle.
Biglang hinablot ni Colet ang kwelyo ni Kyle "Hindi mo ko kilala?!" diin na sambit ni Colet, sa pangalawang beses umiling ulit si Kyle bilang sagot dito.
Binitawan at tinulak niya si Kyle dahilan para matumba ito. "Bakit nakapasok ang hunghang na'to?!" galit na sambit ni Colet.
"Walang nakakapasok sa school na'to kong hindi kami kilala kasi kong wala kayong alam tungkol samin, pwes wala din kayong alam sa rules ng school" sambit ni Colet, huminga siya ng malalim bago sabihin ang warning code.
"Dalhin siya sa Exclusive Room-2" sambit niya.
"Colet, ano balak mo?" tanong ni Gwen.
"Dating gawi" sagot niya. "Kong hindi niya tayo kilala pwes papakilala ko sakanya kong ano ibig sabihin ng Breathtakers" dagdag pa niya habang nakapamulsa.
Dinala na nga si Kyle sa Exclusive Room-2, ang Exclusive Room-2 ay para lang sa B-3, sa mga paparusahan at sa mga taga sunod ng tatlo.
Pinaupo nga si Kyle na naka blind fold at nakatali sa upoan.
Sinimulan na siyang bugbogin at paloin ng taga sunod ng B-3, hanggang sa dumugo na mukha niya at kumalat sa kaniyang uniform.
"T-tama naa" ang tanging nasambit ni Kyle na nanghihina.
"Kilala mo na ba ang B-3?" tanong ng isang taga utos ng B-3.
Tumango ng dahan-dahan si Kyle bilang sagot dito.
Huminto na ang taga sunod at inalis si Kyle sa pagkakatali at blind fold nito.
"Sila ang puputol ng aking paghinga" ang huling sambit ni Kyle bago ito nawalan ng malay.
END of FLASHBACK _______________________________________________
Lahat ng ganitong pangyayari ay nalilinis nila na parang wala lang nangyari, pero may isang beses na hindi sila nakaligtas sa mga nabiktima at mga pamilya nito, dahilan ito para mapaalis at ipadala si Colet ng kaniyang pamilya sa ibang bansa.
"Pasensya ka na, anak" iyak na sambit ni Mrs. Vergara sa picture ng kaniyang anak na si Colet.
"Tahan na ma" tanging na sambit na lang ni Ivy habang nakayakap sakanyang Mama.
______________________________________________
Aeco-Eyris: Hello, actually hindi to yung original, pano ba naman kasi nung nag log in ako nawala yung drafts ko kaya inulit ko pa, huhu.