Silver 30

7.5K 301 161
                                    

Under The Silver Light 30

                                  ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆


"Ano, pre? Hindi ka pa rin ba papasok?"

Umiling ako at tinuloy ang paglalaro ng PS5. Wala naman kasi akong ganang pumasok. Edi mag summer class kung babagsak, mabuti pa nga 'yon nang may pagka abalahan naman ako tuwing summer.

Pinagbabato ako ng unan ni Cadence. Si Jacob naman ay chineck ang ref ko at ang mga kaldero habang si Paulo ay kunot na kunot ang noong hinatak ang buhok ko.

"Putangina mo, dugyot! Nag-sha-shampoo ka ba? Ba't ang lagkit?"

Hinawi ko ang kamay niya dahil nagugulo ang paglalaro ko. "Nag-sha-shampoo malamang. Kahit amuyin mo pa."

Totoo naman kasi. Hindi naman ako ganoon kadugyot. Kahit pa parang wala akong gana sa lahat, e, nagagawa ko pa ring linisan ang sarili ko.

"Naliligo 'yan pero hindi na nagagawang magsuklay, tingnan mo nga ang bigote at balbas, sobrang kapal na."

Sinipa ako ni Jacob. "Wala ring kalaman laman bukod sa beer at soju ang ref mo. Kumakain ka pa ba?"

"Oo, kagabi."

"Gago! Kagabi pa? Kagabi ang huling kain mo?" sabay tingin ni Paulo sa kaniyang relo. "Alas otso na ng gabi, inamo ka! Isang buong araw kang walang kain?"

Hindi ko pa rin inaalis ang atensyon sa nilalaro kahit alam kong tatlo silang pinanonood akong miserable. "Hindi naman ako nagugutom."

"Hindi nagugutom o walang gana? Tangina mo! Kung nakapagsasalita lang 'yang sikmura mo, siguradong nanghihingi na 'yan ng saklolo."

"Pwede ba, Cadence? Ayoko ng sermon. Kung pumunta kayong tatlo rito para daldalan ako, umuwi na lang kayo. Hindi ako papasok. Ibagsak kung ibagsak."

Oo, wala akong gana sa lahat. Tanggap ko naman, e. Wala rin naman kasi akong ibang dapat gawin kun'di ang tanggapin.

Tangina desisyon na ni Ishan iyon... ng taong mahal ko... kaya sino ako para hindi siya pagbigyan, hindi ba? Kahit nga ikasasakit ko, kung makapagbibigay naman ng kasiyahan sakaniya ayos lang.

Pero hindi ibig sabihin na tanggap ko, e nakalimot na ako. Mahirap gawin ang bagay na 'yan lalo't nakasanayan ko na.

Bakit ko pa kailangang magpa-gwapo kung wala rin namang saysay? Iyong gwapo nga ako hindi niya pa rin ako nagawang gustuhin, e. What's the difference?

"Tara, Cade. Bili tayo alak," aya ni Jacob kay Cadence na umaangal.

"Bakit? Mag iinom tayo? Hindi ka ba naaawa sa itsura ng tarantadong 'yan? Papainumin mo pa talaga."

Si Paulo naman ang sumagot. "Sa itsura niyan, tingin mo mapapakiusapan 'yan? Kung ayaw niyang mag kwento, daanin na 'yan sa Black Label."

"Kung mag-usap kayo parang wala ako rito,'no?"

"Busy ka naman sa laro mo, 'di ba? Wala ka na ngang pakialam sa sarili mo. Iyong tambak mong plates na sa isang linggo na ang pasahan, wala ka ring pakialam."

Nag iwas ako ng tingin. Kahit ano pang sabihin nila riyan, e, hindi ako matitinag. Hirap ba silang intindihin na wala akong gana sa lahat? Ginusto ko rin ba 'to? Hindi naman, ah?

Ginusto ko bang pagkatapos pakiligin at paasahin, iiwan lang sa ere at makikipag balikan sa ex? Wala akong ginusto ni isa roon. Kahit ako hirap sa sitwasyon.

Alam kong napipikon na sila sa akin lalo si Cadence noong sipain niya ang throw pillow kong nahulog sa sahig. Hindi ko iyon pinansin dahil wala akong balak patulan siya.

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon