Under The Silver Light 27
⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
"Ang lamig ng kamay mo, nilalamig ka ba? Bawasan ko ang lakas ng aircon?"
Binigyan na naman niya ako ng famous irap niya saka padabog na hinawi ang kamay ko. "Dadalhin mo ako sa bahay niyo kung nasaan ang buong pamilya mo tapos tatanungin mo kung bakit nanlalamig ako?!"
Natawa ako at kakamot-kamot na lang sa ulo na nanahimik.
Pagkatapos kasi ng tawag ni Ate, tumawag din siya sa akin at sinabing.... miss niya na rin ako. At bilang magandang halimbawa sa salitang marupok, mabilis akong bumigay.
Inaya ko na rin siya roon na dumalo sa gender reveal ng kapatid ko.
"Nahihiya talaga ako, Cedrix."
Hindi na siya lalo mapakali noong pumasok na kami sa village namin. Alam kong pamilyar siya rito dahil tubong Cavite rin naman siya gaya ko. Isa pa, hindi nalalayo sa dati naming eskwelahan ang village kung saan kami nakatira.
Kinagat ko ang labi ko habang nagpipigil ng ngiti dahil ngayon ko lang nakitang ganito siya kakabado. Kahit nga sumasali iyan sa mga quiz bee competition ay palagi siyang kalmado pero ngayon, namumutla na siya.
Bago pa kami pumasok sa loob ng bahay, hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon.
"Mabait ang pamilya ko, lalo si Mama at Papa, makakasundo mo sila panigurado."
Ngumuso siya pero umiling. "Hindi pa ako ready, Cedrix. Hindi pa naman tayo, e. Bakit mo na ako pinakikilala?"
I sighed, my hands remained on holding his left hand and caressed it sweetly. "I promise them that the next time I'll go home, I'll be with the person I truly care, Ishan. Nangako rin ako sa sarili ko na ang unang taong mamahalin ko...ipakikilala ko sa magulang ko. And it's you, Ishan. Ikaw 'yon."
"E, paano kung hindi kita sagutin? Tapos pinakilala mo pala ako?"
Sumimangot ako. "Ang sakit mo talagang magsalita," napatawa ko naman sya sinabi ko. "Pero kahit naman hindi mo ako sagutin, siyempre masakit, pero ayos lang. At least natupad ko iyong pangako ko, 'di ba?"
Matagal siyang nag-isip at pinagmasdan ang kamay niyang hawak ko bago ako tingnan.
"Thank you, Cedrix. But I don't think I am ready for this. Hin.... Hindi pa kasi ako sigurado sa lahat kaya ayoko munang....ipakilala mo..."
Hindi nagmamadali at alangan ang bawat bigkas niya sa salita. Ramdam ko rin ang ingat doon dahil ayaw niyang makapag bigkas ng salitang maaaring ikasakit ko at naiintindihan ko iyon.
I nodded. "If that's what my baby wants, then we'll do that. I'll introduce you as my.... friend."
Tumango sya at bahagya ang isinukling ngiti sa akin. Bumaba ako at kumatok sa gate para maigarahe nang maayos ang sasakyan at unang sumalubong sa akin si Papa.
"Oh, aga mo? Mamaya pang hapon, ah?"
Tumango ako at pasimpleng itinuro ang sasakyan ko. "Kasama ko 'yung baby ko, Pa. Huwag kang maingay."
Nanlaki ang mata nito. "Kasama mo na? Kayo na?"
Napaka OA din nitong tatay ko, e. Umiling ako at sumenyas na huwag magpahalata. "Ayaw niyang ipakilala ko siya sainyo pero sasabihin ko na mamaya kila mama. Huwag na lang kayong magpahalata na alam niyo na."
"Pala utos ka rin, e, 'no?".
Tumawa ako. "Si papa naman!"
"Biro lang," sabay tapik sa akin. "Sige na, ako na magbubukas dito. Samahan mo na ang baby mo."
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light
RomanceBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix COMPLETE Sweet Serenade Series #2