Silver 26

6.6K 252 98
                                    

Under The Silver Light 26

                                  .⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆

"Pogi na ba si Daddy, Coco?"

Para ko nang tanga na kinakausap si Coco habang sinusuot ang pangatlong damit na napili ko. Hindi ko kasi alam kung anong bagay sa akin.

Kahit wala namang sinabi si Ishan na date ito, siyempre para sa'kin date na  'to. Kumbaga, ito ang unang beses na mag di-date kami kaya dapat sulitin ko.

Sa huli ay faded jeans, white sneakers, black fitted shirt, at black and white varsity jacket ang isinuot ko. Naisip ko kasi na malamig sa sinehan kaya maganda na 'yung handa kung sakaling lamigin si Ishan.

Maging ang buhok ko na dati ay hinahayaan ko lang namang magulo ay nagawa ko ring ayusin at i-wax. Halos ipaligo ko na nga rin ang pabango ko para lang masigurado na mabango akong haharap kay Ishan.

"Mag-behave ka rito, Coco, okay? Mag di-date lang kami ni Dada mo. Malay mo, pagbalik namin complete family na tayo," saka ako ngumisi at humalik dito.

Para man akong tangang kinakabahan, kumatok na ako sa unit ni Ishan.

Matagal iyon bago nagbukas, siguradong nag-aayos pa sya. Gustuhin man naming isama si Coco, bawal kasi iyon sa sinehan na pupuntahan namin. Pero nangako kaming ipapasyal si Coco sa susunod na linggo.

Simpleng black graphic shirt na naka tucked in sa suot na jeans na tinernuhan ng puting sapatos ang suot ni Ishan. Mas maayos din ang buhok niya ngayon at tila sinuklay iyon at naka ipit ang patilya sa likod ng kaniyang tenga.

Kung sisingitan ko iyon ng bulaklak ay talagang gaganda lalo. Litaw na litaw ang kaputian niya dahil sa itim na suot.

Kung pagtatabihin talaga kami, para kaming kape at gatas. Hindi naman ako sobrang itim pero moreno ako habang siya naman ay tisoy.

Sobrang bagay talaga kami.

Ang kumontra hindi na magkaka-lovelife. Sumubok kayo ngayon.

"Ba't ka tulala?"

"Kahit kasi palagi kitang nakikitang maganda at gwapo, hindi pa rin nababawasan ang atraksyon ko sa'yo."

Alam kong kinilig siya noong banggain niya ang balikat ko at naunang sumakay sa elevator. Ganiyan na ganiyan talaga kiligin ang mga nonchalant na masungit. In short, ganiyan kiligin si Ishan Buenavista.

Kaming dalawa lang ang nasa loob ng elevator kaya malaya kong malalandi si Ishan. "Hindi mo man lang i-co-compliment ang suot ko?"

"Required ba?"

Grabe! Wala talagang puso. Ibinigay ko na nga sakanya ang puso ko, wala pa rin siya no'n?

Ang sakit, ah?

"Tsk!" sabay nguso. "Nag pa-pogi nga ako para sa'yo tapos hindi ka naman pala na-gwapuhan."

Tumawa sya at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Tila sinusuri ang suot ko. "May sinabi ba akong hindi ako na-gwapuhan sa'yo?"

"Ano?"

Sakto namang tumunog ang elevator na nasa parking na kami at siya ang unang lumabas doon at dumiretso sa sasakyan ko.

Gaya ng dati, ako ang nag bukas ng pinto ng passenger para sa mahal na prinsipe. Passenger prince ko 'yan, e.

"Saan pala tayo?" tanong ko, siya kasi ang bumili ng ticket kaya hindi ko alam kung saan 'yon.

"UpTown."

Huh? Akala ko diyan lang kami sa malapit na mall, hindi pala. Baka naman mahal iyon?

Hindi na ako nagtanong at doon na dumiretso. Sa buong byahe, hinayaan ko lang siyang magpatugtog sa sasakyan ko gaya ng palaging ginagawa namin kapag magkasabay.

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon