Simula

59.4K 599 5
                                    

Simula





Para sa kanya, isa lang akong walang kwentang babae. Isang babaeng hindi maiibigay ang nais para sa kanya.

Isang babaeng para sa kanya ay katulong lamang sa lahat ng bagay. Isang babaeng kayang-kaya niyang gawin ang kung ano man maisip niyang gawin. Ngunit, anong magagawa ko?

Oo kaya ko naman siyang pigilan sa mga gawaing posible niyang magawa sa akin.

Oo kaya kung lumayo sa kanya at hindi na kailanman magpakita. Subalit, ako, na isang babaeng mahina, isang babaeng kahit may kaya ang angkan, ay tila ba hindi pa rin alam ang nasa paligid niya.

Aaminin ko, matagal ko na siyang mahal, apat na taon na pero para sa isang Villaverdeng katulad niya, ay alam kong walang sinoman ang magkakamaling lumapit o makipagkaibigan sa kanya. At siyempre, except na sa mga katulad niyang mayayaman.

Kasal kami, kinasal kami para maisalba ang kompanya namin. Akala ko matatapos ang araw na iyon an magiging masaya ako, mararanasan ko ang pagiging may-bahay niya. Ngunit akala ko lang pala iyon.Sapagkat ako lang naman ang nagaantay sa kanya na mahalin rin niya ako pabalik, ngunit ang tanong mangyayari pa ba kaya iyon?

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon