Pwede niyo pong pakinggan ang Pasilyo by Sunkissed Lola at Dito Sa'kin by Earl Agustin para mas maramdaman niyo ang chapter na ito.
Enjoy reading, Fillies!
Under The Silver Light 22
⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
Palad ay basang-basa
Ang dagitab ay damang-dama
Sa 'king kalamnang punong-puno
Ng pananabik at ng kaba
Lalim sa 'king bawat paghinga
Nakatitig lamang sa iyoGaya sa liriko, wala akong ibang nakikita kung hindi siya lang. Si Ishan lang. Nanatili ang titig ko sakaniya habang kumakanta.
Lahat ng bigkas sa mga salita ay para sakaniya. Pakiramdam ko nga, ginawa ang kantang iyon habang nararamdaman ng composer kung ano ang nararamdaman ko para kay Ishan.
Iyong tingin niya ngayon, talagang nakaka lunod. Hindi ko nga maramdaman ang kaba kung sakaling komprontahin niya ako mamaya dahil buo na ang desisyon kong umamin.
Wala, e. Hindi ko na kayang pigilan. Parang sasabog ang puso ko kahit nasa paligid lang naman siya. Gusto ko nang ipagsigawan sa lahat na ang taong nagugustuhan ko ay may pangalang Christian Ryle Buenavista.
Wala na 'kong mahihiling pa
Ikaw at ikaw
Ikaw at ikaw
Ikaw at ikaw
Ikaw at ikawGaya sa liriko. Itong isang salita na paulit-ulit kong itinugon, ganoon din ang gusto kong sabihin para kay Ishan. Ikaw at ikaw lang ang gusto kong makasama sa habang buhay.
Ikaw at mananatiling ikaw hanggang sa huli.
Alam kong mabilis. Pero kaya ko namang maghintay hanggang maging sapat na ang tagal ng panahon para papasukin mo ako sa puso mo.
'Di maikukumpara
Araw-araw kong dala-dala
Paboritong panalangin ko'y
Makasama ka sa pagtanda
Ang hiling sa Diyos na may gawa
Apelyido ko'y maging iyoHabang patuloy sa pag kanta ay hindi ko maiwasang mapa angat ng tingin sa maliwanag na kalangitan kung saan naka kalat ang napakaraming bituin. Hindi rin naka takas sa akin ang buwan.
Kung may isang tao man sa dagat ng taong naririto na lubos na sasaya sa kung gaano kapayapa ang kalangitan ngayon, si Ishan iyon at wala nang iba.
Oh Lord, kahit ito lang. Kahit si Ishan na lang. Pangako, mamahalin ko nang buo at tapat. Hindi ko iiwan at makakaasa kang paninindigan ko.
Kahit ngayon lang. Kahit itong kahilingan ko lang na mabigyan ako ng pagkakataong iparamdam sakaniyang mayroon siyang ako na handang isigaw sa buong mundo ang pangalan niya.
Na mayroong Cedrix na handa siyang mahalin sa kahit na kailan, anong panahon, at kahit pa walang rason. Na may taong hindi siya kailanman itatago.
Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, Ishan. Patutunayan ko sa'yong kamahal-mahal ka. At hangga't kaya kong maibigay, ibibigay ko ang lahat sa'yo.
"Tangina neto! Ginamit pa 'yung kanta para mag confess."
"Ba't 'di mo na lang sinabi nang harapan?"
Iyon ang unang sinabi nila Paulo pagkatapos ng performance namin. Ngumiti ako. "Sino bang nagsabing nagtatapos na roon ang confession ko? Pinalaki akong matapang ng mga Yu, 'no!"
"Puta yabang! Balitaan mo kami, ah?"
Malawak ang naging ngisi ko. "Huwag niyo i-jinx, tangina niyo pa naman. Basta sasabihin ko na lang kapag hindi na ako single."
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light
RomanceBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix COMPLETE Sweet Serenade Series #2