Under The Silver Light 21
⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
"Tatadyakan kita! Umalis ka na nga ng unit ko, nakakairita ka!"
Pinagsisipa ako ni Ishan habang ako naman ay iwas na iwas hanggang sa makarating na lang ako sa pinto ng unit niya.
Natatawa kong inekis ang braso ko. "Oo na, uuwi na. Hindi na."
Sinamaan ako nito ng tingin at binuksan ang pinto niya bago ako itulak palabas. Bago pa niya tuluyang maisarado ang pinto, hinawakan ko iyon at pinigilan siyang maisara.
"Hindi ko pa naitatanong iyong itatanong ko sa'yo. Remember?"
"My gosh, Cedrix!" sabay irap ulit. "Then ask me now. Inaantok na ako."
"Sinong crush mo?"
Hindi siya makapaniwala sa narinig na tanong mula sa akin. Naramdaman ko pa nga ang pag luwag ng kapit niya sa pinto at halos kalahati na ng katawan niya ang naka silip mula sa loob.
"Ano ulit?"
Ang gandang lalaki pero bingi. "Ang tanong ko, kung sino ba ang crush mo? Iyong crush na sinabi mo noong nasa lounge tayo? Gusto kong malaman."
Natawa siya roon, iyong tawang-tawa at kitang-kita ko na naman ang magaganda niyang ngiti at perpektong pantay na mga ngipin.
"Talaga bang gusto mong malaman? Seryoso ka talaga?"
Ako naman ang iritado ngayon. "Oo nga! Sabihin mo na kasi kung sino."
"Sige." Inilabas niya ang cellphone niya mula sa kaniyang suot na cotton shorts saka ipinakita ang lockscreen sa akin. "Si Mingyu. Ang future boyfriend ko."
Mingyu? May gano'ng pangalan pala sa Pilipinas? Ang panget naman ka-bonding ng nanay no'n, ba't gano'n ipinangalan sa anak. Parang hindi pang Pilipino.
Atsaka anong future boyfriend? Hindi niya ba nakitang ako ang future boyfriend niya? Kung hindi niya pa alam, pwes ako alam ko na. Nakita ko na ang hinaharap at ako ang naroon.
"Sino ba 'yan? Mas pogi ako riyan, e."
Itinabi niya ang cellphone sa mukha ko sabay ngumiwi. "Parang hindi naman."
Nakakainis. Ba't ko pa kasi tinanong? Atsaka talagang lockscreen niya pa talaga, ah? Ang tibay talaga.
"Ba't crush mo 'yan?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "At sino ka para kwestiyunin ang crush ko? Crush ko 'to, e. Maghanap ka ng sarili mong crush."
"Nahanap ko na."
Nasa harapan ko na nga, e.
"Edi good for you. Ba't ka pa andito? Dapat puntahan mo ang crush mo, 'di ba crush mo?"
Luh? Ba't siya na ngayon ang galit?
"Ikaw ba't hindi mo puntahan ang crush mo? Lockscreen mo pa nga oh, crush na crush," balik kong tanong sakanya.
Inis na inis ang mukha niyang tinitingnan ako.
"Alangan puntahan ko sa South Korea? Huwag mo na nga akong kausapin, kairita ka! Kausapin mo na lang any crush mo. Kung gusto mo rin I-lockscreen mo siya."
"Naka homescreen na." At ikaw 'yon. Larawan mo ang nasa homescreen ko. "Atsaka narito na ako sa harap niya."
Matagal siya bago naka sagot doon. Hindi ko nga alam kung nahulaan niya ba kung anong ipinahihiwatig ko o talagang slow siya pagdating sa mga ganito at hindi niya na-gets.
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light
RomanceBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix COMPLETE Sweet Serenade Series #2