Silver 20

6.5K 203 183
                                    

Under The Silver Light 20

                                  ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆

Sa loob ng ilang araw nabuo na namin ang lounge, pintura na lang halos ang kailangan gawin at mas dadali sana kung marami kami. Sabado na rin kasi at sa lunes na ang umpisa ng Anniversary week, kailangan na naming matapos agad.

Nasa kalagitnaan kami ng paggawa ngayong gabi nang may magsalita roon.

"Tulong na kami, kailangan na ring matapos, e."

Nakita ko sina Ishan doon. Mga naka pambahay lang at ready na talagang tumulong. Hindi niya nabanggit sa akin.

Siyempre, Cedrix. Ba't babanggitin? Ano ka ba niya? Condomate lang kayo at fur parents ni Coco na ako lang naman ang nagpumilit.

May schedule rin kami kay Coco. Every two weeks siyang na kay Ishan at pagkatapos ng two weeks, nasa akin naman siya ng one week. Pero kapag umaatake ang rhinitis o hika ni Ishan, sa akin niya pinaaalagaan si Coco.

Wala namang nangyaring espesyal sa amin ni Ishan nitong mga nakaraang araw. Iyong nararamdaman ko pa lang para sakaniya espesyal na, e.

Atsaka sapat na sa akin na hindi niya ako nilalayuan kahit iyong pananarkastiko niya, hindi na talaga mawawala.

"Malas naman!"

Kung malas para kay Paulo dahil makikita niya si Tristan nang mas madalas, swerte naman para sa akin dahil makikita ko si Ishan.

Napagkasunduan kasi namin na bukas, linggo, dapat tapos na namin ang lounge para sa lunes makapag focus na sa booth, performances, at other errands.

Naiisip ko pa nga lang kung gaano ako ka-busy next week, nap-proud na ako sa sarili ko dahil isang challenging week na naman ang pagdadaanan ko.

Paano ba naman, tatlong plates ang ibinagsak sa amin dahil sa one-week Anniversary celebration ng school. Akala yata ng mga profs pasarap lang kami sa one week na 'yon.

Alam ko namang masarap na talaga ako pero huwag na sana nilang idinamay ang plates. Be professional naman sana.

Joke.

"Baka sa sobrang titig mo, iba na ang mapinturahan mo," makahulugang sinabi ni Rave habang patuloy rin sa pagpipintura roon.

Napansin niya ba ang pag titig ko sa kaibigan nila? Pero katabi ni Ishan si Jacob, pwede ko naman sabihing si Jacob ang tinitingnan ko.

"Hindi ako kay Ishan naka tingin no!"

Humalakhak sya. "Wala naman akong sinabing kay Ishan ka nakatingin? Halatado ka! Naka amin ka na ba?"

"Ano?!"

"Lagi kayong galit, nagtatanong lang, e."

"Huwag ka nang magtanong. Hindi pa."

"Ang hina," bulong niya at mas lalo pang lumapit sa akin. "Kung ako sa'yo aamin na ako, malay mo, mutual feelings pala?"

"Huwag mo akong pangunahan!"

Tumawa sya at nailing. "Ikaw bahala."

Hindi ko na pinansin ang Rave na iyon na isa rin pa lang mapang-asar. Nakakainis silang magkakaibigan, palaging tama ang hinala nila. Lumingon ako muli kay Ishan at nakitang wala na siya roon.

Lumabas ako at doon ko siya nakita, kausap ang naka simangot ding si Cadence. Palapit ako noong tumawa sya at tiningnan ako.

Pinag-uusapan ba nila ako? Ba't sila close ni Cadence? Tigas ng mukha nitong si Cadence, ah?

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon