Chapter 16Relationship
"Okay lang ba kayo ni Eli? Parang 'di kayo nagpapansinan, a?" tanong ni Basty, sabado nang samahan namin si Ays sa studio.
Nasa living room kami ng studio samantalang nasa recording room sila. Kasama ko sina Seth, Terry, at Basty. The rest were inside, probably recording music or practicing their modified songs.
"Tsismoso, oh!" si Seth, nanonood ng short clips sa phone niya. Kaiiyak niya lang kanina dahil may napanood na vid kung saan namatay yung aso.
Pabirong hinila ni Basty ang buhok niyang halos sumayad na sa sahig. Nakahiga kasi sa couch.
"Baklang 'to!"
"Curious lang 'yong tao!" Bumalik agad si Basty sa tabi ni Terry na tulog, may nakasalpak na wired earphones sa tainga niya.
"Pa-confirm naman muna kung tao ka ba talaga o aso."
I sighed and rolled my eyes. "Malay ko sa kaibigan niyo. Hirap na hirap makipag-communicate sa akin. Tamang-hinala..."
"Hindi mo na kinukulit sa chat?" tanong ni Seth, pinatay na ang phone niya at dumapa para maging tutok sa usapan.
"Coming from you, ha? Sino ngayon ang tsismosa?"
"Ingay mo! Oo na, tsismoso ka at tsismosa ako!" Seth said out loud before focusing on me again.
"Si Fritz na naman?" tanong ni Basty.
Tumango ako. "Nakita kami last time sa canteen..."
Tumango si Basty. "Ah, kailan 'yan?"
"Last week, Friday."
"Doon nagsimula pagiging mainitin ng ulo niya. Nag-explain ka ba?"
My heart started to beat rapidly as I started to feel the growing frustration inside me.
"I explained through chat because he wouldn't talk to me in person. Tinadtad ko talaga siya ng chats pero puro seen lang!"
I love him, pero nakaka-tangina yung sitwasyon namin ngayon. May mga bagay na maaaring idaan sa matinong pag-uusap pero pinipili niyang palipasin. Tapos ano? Magpapanggap na naman siyang walang nangyari kapag kumalma na siya. So far, this is his only toxic behavior.
"Hindi mo na sinundan iyong last chat mo sa kaniya? Ano ba 'yong last chat mo?"
My eyes closed from Seth's question.
Noong Monday, hindi kami sabay na umuwi after our schedules. Sakto naman nagpasama si Kenzie na may bibilhin sa mall kaya rin 'di ko na siya hinanap. Pero tang ina, sa department store, nakita ko siyang may kasamang babae habang namimili sila sa stationary area. Of course, I didn't conclude he was cheating on me, or that he was with someone he's not related with. Ang sa isip ko kaagad, baka kamag-anak niya o kaibigan lang. Pero nang makita ko siyang natawa nang saglit, kumulo ang dugo ko. Kasi... paano niya nagagawang tumawa habang hindi kami maayos? He didn't even ask if I got home safe! O kung naka-uwi na ba!
"Baka yung pinsan niya? Si Cath?" si Basty nang ikuwento ko ang nakita ko. "Iyon lang ang kilala kong close niya, eh. Matured bang tingnan?"
Tumango ako, sobrang naiinis na. Gusto ko na lang umalis at umiyak sa unit ko. Nakaka-frustrate talaga. Simula noong nag-away kami, hindi pa ako umiiyak. Nasasaktan ako, pero 'di ko iniiyak. Kaya yata mabigat sa dibdib tuwing nakikita ko siya kasi naipon na sa loob.
Nasasaktan ako nang sobra. Napapansin ko naman na may pakialam pa rin siya sa akin, pero 'yong 'di niya pagpansin at pag-iwas sa akin? Hindi ma-tolerate ng utak ko 'yon. Grabe, natitiis niya 'ko? Ilang araw na...
