*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 16: True Evil Indeed

Kisha's POV

"Narinig ko yata ang pangalan ko....

Namiss niyo ba ako?"

Para akong nabato sa kinatatayuan ko at ramdam ko ang intensidad ng malamig niyang boses na tila ba kahit ang buong kwarto ay nababalot ng lamig dahil sa presensya niya. Dahan-dahan akong lumingon sa isang babaeng nakatayo sa likudan ko, maputla ang balat, malamig din ang kanyang ngiti at walang emosyon ang mga mata niya. Hindi ko maiwasang kilabutan dahil sa kanya. Ganun pa din ang itsura niya simula nung makita ko siya noon sa Grand Ball pero mas naging nakakatakot at nakakakilabot ang itsura niya…

"V-Victoria" halos pabulong na sabi ko dahil na rin sa gulat....at takot...

"What the fuck are you doing here?!" nagulat ako sa tono ng boses ni Cross. Galit na galit siya...

She smirked "Oh, Cross Falcon. I'm not expecting you here. But since you are here, I wanna ask, how's my gift?"

Muli akong tumingin kay Cross. His jaw clenched and he balled his fist 'til his knuckles go white. His eyes are piercing as if he's ready to kill…

Dinuro niya si Victoria... "You fucking changed me! You piece of shit! I'm gonna fucking kill you! I'll cut your goddamn neck and chop your fucking body into tiny fucking pieces! Shit!!!" napakapit ako sa braso nya para pakalmahin siya. Nanatiling nakatayo lamang si Victoria at nakangiting nakatingin kay Cross. Ni hindi man lang siya natinag. Kung si Victoria ay may nagyeyelo ang tingin, nagbabaga naman ang kay Cross. Para tuloy akong naiipit sa magkaibang panahon at wala akong magawa para makaalis dito…

And then she laugh as if she won a jackpot price "You should thank me Vampire Hunter 'cause I've given you power. So much power" tumingin naman siya sa akin. Hindi ko maiwasang mapapitlag dahil sa bigla niyang pagtingin sakin "And oh, I heard what happened between you and Van. Don't worry Kisha, i'll make sure you'll suffer to death" then she smirked...

"A-Anong ibig mong sabihin?" 'yun na lamang ang lumabas sa bibig ko. Naiinis ako sa sarili ko, ang hina ko, ni hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko kung sakaling may gawin siyang masama. Wala na akong ibang magawa kundi ang kabahan dahil sa sitwasyon ko ngayon...

"It is for you to find out" kasabay nun ang paghangin ng malakas at pagkawala niya na parang bula...

Pabagsak akong naupo sa couch at pilit pinakalma ang sarili ko. Umupo na din si Cross na nakahawak sa ulo niya...

"Cross, okay ka la-----"

"AHHHHHHHHHHHH!" nakahawak na ngayon ang magkabila niyang kamay sa kanyang ulo na halos sinasabunutan na niya ang sarli niya. Bumabakat din ang kanyang ugat sa noo at pulang-pula ang mukha niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Anong nangyayari sa kanya?

"C-Cross! A-Anong nangyayari sayo?" panic strikes through me. May kinalaman kaya si Victoria dito? 'Yung tungkol sa regalo...sa pagbabago...anong ibig sabihin niya doon?

"AHHHHH! G-GET AWAY FROM ME!! FUCK IT! SHIT!!!" Ano bang dapat kong gawin? Nakahawak pa din siya sa ulo niya at alam kong nasasaktan siya base na din sa reaksyon niya...

"Cross! Calm down!" hindi niya ako pinakinggan bagkus ay tumingin siya sakin ng masama, nagulat ako ng mag-iba ang kulay ng mata niya, naging kulay yellow ang mata niya na may touch ng green at black. Tumayo siya at tumakbo palabas, ni hindi ko na nagawang itanong kung bakit siya nagkakaganon?

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!