04

77 3 0
                                        




Chapter 4: Grocery





I've already got an air conditioner, new bed, sofas, refrigerator, wardrobe, air fryer, automatic washing machine, and sets of curtains for the windows.



Saglit akong napaisip kung ano ang mga kulang na gamit dahil gusto kong kumpleto ito para hindi na ako mamroblema sa oras na kakailanganin ko sila.



Napatingin ako sa tiyan ko nang tumunog ito.


Oh god, I'm hungry. Chineck ko ang kabinet kung may oatmeal ba doon, pero wala akong mahanap! I also checked the refrigerator, pero kahit ni-isa ay wala pang laman!


Ngayon ko lang na-realize na hindi pa pala ako nakapag-grocery!


Tito John, why did you give me a refrigerator without even stocking it with groceries?


Mas kailangan ko 'yong grocery! Paano pag nagutom ako bigla? Ano na lang mangyayari sa akin?!


I sighed and looked for my wallet to buy food. Pagkabukas ko ng pinto ay si Aling Judith ang bumungad sa labas ng apartment ko, at ramdam kong nagulat din siya sa biglaang pagbukas ko ng pinto.


"Pasensya ka na. Yayain sana kitang kumain. Napansin ko kasi parang hindi ka pa kumakain." Nagulat ako sa sinabi niya.


Is it normal for them to invite me for lunch kahit hindi pa naman nila ako kakilala? "I was about to buy food po sana. May alam po ba kayo kung saan ako makakabili?"


"Naku, ngayon ka pa lang bibili? Anong oras na, hija. Hindi tama na nalilipasan ka ng gutom. Halika ka, sa bahay kana kumain." Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na niya ang kamay ko papunta sa bahay nila.


Hindi naman ako nalilipasan ng gutom dahil sanay na ang katawan ko sa oras ng kain ko. Yes, it's not normal, pero base sa nakalakihan ko, parang naging normal na iyon para sa akin.


Ingay ng TV ang bumungad sa amin pagkapasok sa bahay nila aling Judith. Nakabukakang nakahiga si Ogosto habang nanonood ng TV, while Uno was sitting on the floor doing something, pero kaagad siyang napahinto sa ginagawa niya nang makita niya ako, at maging si Ogosto ay kaagad napabangon nang makilala ako.


"Ma, bakit mo pinapasok?! Ang dumi ng bahay natin!" Nakasimangot na sabi niya at binigyan ako ng masamang tingin.


"Oh, e' ano ngayon? Edi maglinis ka!" sagot ni aling Judith habang hinila ako papunta sa kusina nila.


Nilagyan niya ng dinner plate, spoon, at fork ang table, kaya nahihiya akong napatingin sa kanya dahil sobrang asikaso niya sa akin dito.



"Pasensya ka na sa bahay namin, ah. Hindi pa kasi ako nakapaglinis." Kaagad akong napailing sa sinabi niya.


I'm not judging their house. Actually, their house is nice. Maliit pero ang organized ng mga gamit. Very province style.


She was about to put rice on my plate, but I immediately stopped her. Nakakahiya naman na siya pa ang maglalagay ng kanin sa plato ko, eh ako na nga 'yong pinakain niya sa bahay nila.


"Ma, dalawa na nga kaming palamunin mo dito sa bahay, tapos nag-ampon ka na naman!" Bungad ni Ogosto na kakapasok lang ng kusina habang nakasimangot ang mukha.


"Tumigil ka nga! Ikaw lang ang palamunin ko dito, Ogosto, kaya umayos ka!"


"At talagang pinagsisilbihan mo pa siya. Tama ba 'yon?" Naiinis parin na sabi niya habang masamang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ba ako sa kanya.


Escaping Stardom (Luminary Series #1)Where stories live. Discover now