Under The Silver Light 19
⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
Mabilis lumipas ang ilang araw. Nakakapag adjust naman na ang lahat sa schedule na ginawa nina Rave at Cadence para sa lounge.
Ngayong linggo, sina Ishan ang pang gabi roon kaya heto ako, iniisip kung mapapapayag ko ba siyang sunduin ko.
Alam ko namang pwede siyang isabay ng mga kaibigan niya. Anong silbi ng mga sasakyan no'n kung pababayaan lang nila ang kaibigan nilang mag commute ng ganoon oras, 'di ba?
Pero mas maganda nga sana kung ako na mismo ang sumundo sakanya. Wala rin naman akong ginagawa masyado bukod sa iilang plates na puro freehand lang naman.
"Napakuan mo na 'yung plywood sa labas?" tanong ni Paulo habang patuloy ang pagpipintura ng kung ano roon.
"Oo, boss. Baka may iuutos ka pa?" pabiro kong tanong dito.
"Tubig sana."
Ngumiti ako. "Sakto naiihi na ako."
Hininto nito ang ginagawa at sinamaan ako ng tingin, ang gitnang daliri ay nasa ere na. "Napaka dugyot mo talagang tangina ka! Doon ka na nga!"
"Nasa'n pala si Jacob?"
"Umalis, iihi raw. Natabunan na yata ng inidoro, e."
Wala naman sigurong pila sa restroom? Pagabi na rin at wala masyadong estudyante sa labas dahil ganitong oras madalas ay may klase talaga.
"May nilalandi siguro 'yon. Inuna pa talaga lumandi kaysa gumawa, siya ang ipako ko rito, e."
"Mula sa labas rinig ko na pang ba-backstab niyo sa'kin mga kupal!"
Biglang sumulpot si Jacob na masama ang tingin sa aming pareho ni Paulo. "Ano?!"
"Umihi lang 'yung tao binackstab niyo na agad?"
"Ihi pa ba 'yon? Inihi mo na yata ang pang isang buwan dapat, e."
Pinakyuhan lang ako nito at ipinagpatuloy ang kaninang ginagawa. Ganoon din ang ginawa namin ni Paulo para maka uwi na rin kami dahil ala sais na rin.
"Aga ng mga Engineering, ah?"
Sumilip ako sa labas nang sabihin iyon ni Jacob, nakita ko agad si Rave. Ba't siya ang nasa bungad? Dapat si Ishan, hindi na tuloy maganda ang view.
"Bilisan niyo, atat na yata sila gumawa. May mga dala pang metro," natatawang sabi ni Jacob.
Tell us you're an Engineering student without actually telling us you are...
Nagdala ng metro.
Joke.
Hinubad ko ang suot na t-shirt na pinagpawisan at nagpalit ng itim na sando. Pauwi naman na kaya hindi na sisitahin ng guard atsaka sa parking lot naman ang diretso ko.
"Pasarap na naman sya, sumando pa talaga si tanga."
"Inggit ka na naman, Mendoza," sagot ko.
Itinaas niya ang bagong palit na t-shirt, lumabas doon ang apat na hiwa sa kaniyang tiyan. "Ba't maiinggit, e, may sarili ako?"
"Tapos na payabangan ng katawan, uwi na."
Sabay kaming napalingon sa nagsalita at naka pasok na nang tuluyan iyong tatlo. Naramdaman ko ang pag lapit ni Paulo kay Tristan na nagsalita ngunit pinigilan ko lang.
Utang na loob, ayoko na ng part two. Bukod sa ayokong malagot kay Ishan, pucha, nakaka pagod din kaya ang mga pag pupukpok na ginagawa namin.
"Palibhasa wala ka kasing ipagyayabang!"
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light
RomanceBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix COMPLETE Sweet Serenade Series #2