Silver 18

6.6K 223 108
                                    

Under The Silver Light 18

                                  ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Biglaan kasi ang pagtawag sa amin ni Dean para kausapin sa gulong ginawa namin sa lounge kahapon.

Sinama nga rin namin si Cadence dahil hindi talaga nakaka usap nang maayos iyong tatlong bastos na Engineering. Kung kami-kami lang ang mag-uusap, siguradong imbes na maayos ang lounge ay tuluyan na iyong masisira.

"Ang tagal mo naman? Natabunan ka ba ng isang drum na tubig? Kanina pa 'yang on the water mo!"

Palagi na lang 'tong galit si Paulo, wala ba siyang kalmadong araw? Sana mabigyan na rin 'to ng taong makakapag pakalma sakaniya, laging naka activate si anger, e.

"Oo, paalis na. Miss na miss?"

"Mama mo miss!"

"Sumbong kita kay mama."

"Joke lang. Basta bilisan mo na," saka ako binabaan ng tawag.

Simpleng black sando ang isinuot ko na pinatungan ng black and white checkered long sleeve jacket, maong pants, at puting sneakers.

Mahaba na ang buhok at mukhang ordinaryong gupit na lang iyon kaya sinuklay ko na lang lahat paitaas ngunit may iilang bumababa sa aking noo. Gusto ko sanang mag sumbrero kaya lang ipatatanggal lang din iyon sa school kaya hinayaan ko na lang ang buhok.

Abot tenga ang ngiti ko habang kumakatok sa unit ni Ishan. Noong nalaman ko kasing pinatatawag kami ni Dean ngayon ay sinubukan kong ayain siyang sumabay sa akin.

Alam ko na ngang hindi siya papayag. Talang nag-try lang ako pero noong sumagot siya ng "sige" ay laking tuwa ko.

Ilang minuto ang hinintay ko bago magbukas ang pinto niya at iluwa ang pinaka maganda, pinaka cute, at pinaka gwapong taong nakita ko sa buong buhay ko.

Simpleng white shirt, jeans, at sneakers lang din naman ang suot niya pero ang lakas ng dating. Napansin ko rin na hindi siya ma accessories na tao. Parang hindi ko pa siya nakitang may kahit na anong suot kahit simpleng bracelet o kwintas.

Wala kaming imikan sa loob ng elevator hanggang sa makarating sa parking lot kaya noong nasa loob na kami ng sasakyan ay hindi ko maiwasang hindi mangiti.

"Para kang tanga," sita niya.

Nag maang-maangan ako.  "Ano na naman?"

"Ngiti ka nang ngiti. Nakakairita!"

"Hindi ka nahahawa sa smile ko?" sabay pakita ng malawak kong ngiti, iyong kita pa ang buong ngipin.

Nginiwian niya lang ako. Parang hindi na niya matagalan ang ginagawa ko. "Pa-cute ka nang pa-cute," sabi niya sabay bulong. "Hindi naman cute."

"Hoy, Ishan! Narinig ko 'yon, ah?"

Tumawa siya. "Buti naman."

Ayos talaga. Hindi man lang nakokonsensya ang taong 'to. Paano pala kung na-offend at nasaktan ako? Ganiyan lang siya? Ang tigas, ah?

Porket alam niyang hindi ko siya kayang tiisin? Alam na alam niya lang kung paano ako kuhain kaya palagi niya akong ginaganito.

Hays. Buhay nga naman.

Hirap ma-inlove.

"Ba't pala wala kang kahit na anong accessories? I mean, napansin ko lang."

Hindi ko na napigilan mag tanong, parang wala rin kasi siyang balak akong kausapin. Ang sama lang talaga ng ugali.

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon