Under The Silver Light 16
⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
Binabagabag ako ng mga sinabi ni papa kaya hindi ako naka tulog nang maayos sa gabing iyon. Paulit-ulit kong iniisip ang huling kita namin ni Ishan bago niya ako iniwasan.
Doon sumagi sa isip ko na ayos naman kami noong huling araw dahil chinat niya pa nga ako. Kaya lang, naalala ko rin iyong nakita niya ako sa elevator kasama si Ella noong nag gym ako.
Doon ko lang din napagtanto na hindi na niya ako pinansin ng oras na 'yon. Hindi kaya iyon ang dahilan ng galit no'n sa'kin?
Pero kung iisipin, ano namang nakaka galit doon? Wala naman akong ginagawa, hindi ba? Not unless...
Nagseselos siya.
Puta sa isipin pa lang na nagseselos nga siya ay napapawi na lahat ng masasakit na salitang sinabi niya. Parang nakalimutan ko na rin tuloy iyong pag komento niya sa ex boyfriend niya.
Tama naman si papa, e. Nasa nakaraan na ang taong iyon. Ako ang nasa kasalukuyan at pwede ko namang siguraduhin sakaniya na ako rin ang pwede niyang makasama sa hinaharap.
Hindi na tuloy ako makapag hintay nang mag linggo para umuwi sa unit. Sisiguraduhin kong sa lunes ay kakausapin na ako ni Ishan.
"Gusto mong sumama, Drix?" tanong ni kuya Martin.
"Saan, kuya?"
"Basketball. May kapustahan lang, mga ka-batch ko lang din ang kalaro. Kulang kami ng isa, baka gusto mo?"
Tagal ko na rin hindi nakakapag laro. Huling laro ko pa iyong kila Paulo na muntik ko nang sapakin iyong si Vincent. Mukha ba namang punching bag ang mukha, e.
"Huwag niyo na 'yan isama, babe, lampa naman 'yan," sabi na naman ng kapatid ko.
Hayan na naman ang babe nila na nakakairita sa pandinig. Kung palitan kaya nila ang call sign nila sa mas makabuluhang tawagan? Ang baduy, e.
"Hindi counted opinyon ng buntis dito," sagot ko.
Binatukan lang ako ni ate na agad pinagtanggol ni kuya Martin. "Magaling 'to maglaro, babe. Naging kampi ko na 'to dati noong may liga, e."
"Buti pa 'tong asawa mo hindi ako dina-down, ikaw na ate ang number one basher, e."
"Ayaw mo no'n, hindi ka pa artista pero may basher ka na?"
Umirap ako. Ayokong makipag asaran sa buntis, baka ako na ang tuluyang maging kamukha ng anak niya. Siyempre hindi 'yon lugi, ako na 'to, e. Kaya lang, unfair iyon kay kuya Martin.
"Tawagin mo na lang ako, kuya. Sa kwarto lang muna ako, kairita ang mukha ng asawa mo."
"Hoy! Iyang bunganga mo, ah?"
"Mabango," naka ngisi kong sagot bago patakbong bumalik sa kwarto.
Umakyat muna ako sa kwarto at ginulo ang mga kaibigan ko na kanina pa ang pagme-mention sa akin sa GC.
Jacob Allistaire: Tangina mo, Cedrix! Wala kang isang salita!
Cadence Perez: Bulok ka! Paasa!
Paulo Mendoza: Huwag ka papakita sa'king hayop ka! Talagang suntok ang aabutin mo sa'kin. Tokis ka, ah!
Cedrix Yu: Kalma, mga asawa ko. Umuwi ako sa bahay.
Paulo Mendoza: Hindi ka man lang nakapag text? Nag hintay kami roon sa'yo! Nambulabog pa nga kami sa unit mo dahil hindi ka sumasagot tapos wala ka pa lang hayop ka!
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light
RomanceBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix COMPLETE Sweet Serenade Series #2