53 "Caught in the Act"

49.8K 724 20
                                          

53

"Caught in the Act"



Dumating kami sa Rueville. Pinadiretso kami ni tita sa restaurant nila dun para makapaglunch daw muna. Pero pagdating namin dun eh wala naman sila.

Kausap ni Tonsi si tita sa phone habang naghihintay kami ni Cliff sa labas ng resto.

"Umalis na daw sila para sa meeting. Tatawag na lang daw sila later." Sabi ni Tonsi pagkababa ng phone.

"Kumain na muna tayo. Ang haba ng binyahe natin. Gutom na ako." Sabi ni Cliff.

"Tara na babe." Pang-aasar nya. "Alam kong gutom na yang mga bulate mo sa tyan."

"Shut up Tonsi." Sagot ko sa kanya.

Papasok na kami ng resto ng biglang may nakabangga si Tonsi na babae.

"Bakit kasi hindi natingin sa dinadaanan!" galit na sabi ni Tonsi.

"I'm sorry – " Napatitig ang babae kay Tonsi. "Tot? Tot ikaw nga!" Then he hugged Tonsi.

Sobra 'tong babaeng 'to. Sasaktan ko na 'to eh.

Inalis agad ni Tonsi yung pagkakayakap sa kanya.

"Miss pwede ba hindi ako si Tot!" Papaalis na sya ng biglang sumampa yung babae sa likod nya at hinalikan ang batok nya.

Namula si Tonsi at itinulak yung babae.

"Ano bang problema mo?" mukhang susuntukin na nya yung babae sa sobrang inis.

"You are really Tot. Weakness mo pa batok mo. Hindi ka na talaga nagbago, palagi ka na lang namumula kapag hinahalikan ko yan." tumatawang sabi ng babae.

"Te – teka lang. Wag mong sabihing?" tiningnan nya yung babae mula ulo hanggang paa. "Ikay?"

"Ah excuse me.We're not kids anymore. Call me Maxim." At nagpacute pa ang loka. Nagiintay ang dugo ko.

Wow ang sweet ha. Tot and Ikay? Mukhang childhood sweethearts pa sila. Hanep.

"Maarte ka pa din. Pero hindi na itim yang ngipin mo ah." Pagbibiro ni Tonsi.

At nagkwentuhan pa talaga sila – sa harapan ko pa!

"Ehem!" sabi ko.

"Who are they?" maarteng tanong nung ikay.

"Kuya ko nga pala, si Cliff." Itinuro nya nya si Cliff.

"May kuya ka pala. Pogi ha." Sabi nya habang nakatitig kay Cliff.

"Oo. Long story eh." Nahihiyang sabi ni Tonsi. Kelan pa sya natutong mahiyasa harapan ng ibang babae?

"Marami tayong time para ikwento sa'kin." Hinigit nya si Tonsi. "Dun na kayo tumuloy sa hotel namin malapit dito. Maganda dun. Malaki ang pool at malapit sa beach." Higit-higit nya si Tonsi papalabas.

"Teka. May kasama pa ako. Si Torrence – " bago pa man makapagsalita si Tonsi eh umepal na naman yung Ikay.

"Hello Torrence. Hello Cliff. Nice meeting you. See you around!" At sumakay sila sa magandang sasakyan ni Ikay.

Ako yung fiance pero ako yung iniwan.

"Torrence, are you okay?" tanong ni Cliff.

"Of course. Mukhang childhood friend ni Tonsi yun eh. Okay din yung makapagbonding sila." Then I smiled. Fake smile. "Kumain na muna tayo!" Pumasok ako sa loob ng resto.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon