Ilang minuto akong napatitig sa kisame habang inaalala ang nangyari kagabi. Hindi ko pa rin maintindihan kung paano ako nakatulog sa malapad na kama ni Stanley. Nilingon ko ang sofa at may nakita akong unan at kumot dun. Doon nanaman ba siya natulog?
Bumangon na ako at lumabas sa kwarto ni Stanley. Maaga akong nagigising dahil nag momorning jog ako dati. Ngayong College, hindi ko na ito maisingit. Napatigil ako ng makita siyang nakasuot ng white slacks at white polo. May niluluto siya ngayon kaya nakatalikod siya sa akin.
Lumapit ako sa kaniya at hindi ko napigilan ang mag hikab. "Nakatulog pala ako? Bakit hindi mo ako ginising?"
"You looked tired." he casually said.
Tumango ako at tiningnan ang oras. Mag f-five na. "Aalis na ako. Ayos ka na ba?"
"Eat your breakfast first then I'll drive you to your house."
"Hindi na masakit ulo mo?" concerned kong tanong.
"Maayos na ako." napansin kong namula ang tenga niya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. "About last night, thank you for taking care of me."
Umiling ako. "Wala 'yun."
Pinaupo na ako ni Stanley para kumain. Nagpakwento pa siya sa akin kung ano ang nangyari kagabi pero puro tawa lang ang naisagot ko. Nang matapos kumain ay hinatid niya na ako sa bahay.
Pinakain ko si Cooper at pagkatapos ay naligo na. Doon siya mag s-stay sa studio kasama si Ian. Sabi pa nga niya ay lucky charm daw namin si Cooper. Matapos ko siyang i-pat sa ulo ay nagtungo na ako sa Bently.
Hawak ko ang strap ng crochet bag ko habang nag g-glides sa hallway. May kaunting ngiti din sa labi ko. Saglit akong napahinto ng makita ang pamilyar na mukha ng babae. Si Sachi. Ang lapad ng ngiti nito.
Siya ang palagi kong seatmate noong senior highschool ako. Ang sabi niya, ako lang ang gusto niyang seatmate kasi tahimik akong tao. Kaso paano na 'yan ngayon? Medyo maingay na ako.
Pero ang totoo niyan ay tinatamad lang talaga akong dumaldal dati. Mas na-appreciate ko kasi ang tumahimik nalang dahil maingay na ang loob ng room tapos makikidagdag pa ako.
May mga bodyguards siya sa paligid. At sana sanay na siya rito. Dati, lagi siyang nagrereklamo sa akin kung gaano siya naiirita na may mga kasama siyang bodyguards kahit saan siya pumunta. Kaya sa tuwing nag k-kwento siya, agad kong nilalakasan ang volume ng headphones ko para hindi ko marinig ang kaingayan niya.
"You're looking. . . pretty." usal niya habang nakaparte ang labi.
Wala akong makitang rason kung bakit dikit siya ng dikit sa akin noon. Artista nga pala itong si Sachi. At mas naging sikat siya ngayon sa industry. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako ang gusto niyang maging kaibigan. Kung iyon man ang tawag sa ginagawa niya.
"Don't worry, maganda ka rin naman dati." dagdag niya.
Her carrot haircut suits her. Hindi siya energetic na tao but she's kind of bubbly in front of right people. Laging masungit ang mukha niya sa ibang tao pero ang lakas humalakhak kapag ako ang kasama. I know I was weird before. Pero mas nawiwirduhan ako sa kanya.
"Maganda ka rin." I said and shrugged. I mean, kahit wala siyang make-up maayos at maganda pa rin siya.
Hindi na ako nagtagal doon dahil magkaiba kami ng klase. But we both go to the same Department. Bachelor of Fine Arts in Acting ang kinuha nilang kurso ng ka-love team niyang si Voniz. At pareho ko nga pala silang kaklase noong senior highschool.
I wouldn't even wonder why she got a lot of projects this year. Magaling siya umarte. Pero sabi niya ay gusto niyang kontrabida ang role niya. But base sa mga stage play namin dati, I think she can handle any roles.

YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24