Silver 14

6.1K 229 64
                                    

Strings Not Too Attached 14

                                    ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆


"Akala ko ba tatapusin mo na plate mo? Tangina wala ngang shading 'yan," natatawang sabi ni Jacob.

Napa ngisi ako. "Busy ako kagabi."

Pagkatapos kong sagutan at tulungan si Ishan sa worksheet niya sa math, tinapos na rin namin iyon. Mag a-alas dose na nga kami bumalik sa kaniya-kaniyang unit at noong naka balik na ako, inaantok na rin ako kaya dito ko na lang tatapusin ang plates.

"Busy mang stalk ng mga babae sa IG."

"Tapos na 'ko sa phase na 'yan, pre. Nakipag bebe time ako kagabi."

Tinapunan nila ako ng makaka diring tinginan bago nag ilingan. "Lala ng tama mo, pre. Nag i-ilusyon ka na."

Sumabat din si Cadence. "Ilabas niyo po si Cedrix, 'yung Cedrix na babaero at gago."

Binatukan ko ito. Parang nag ri-ritual ang tarantado. "Mukha kang timang."

"Saan pala tayo? Haba ng vacant natin, tatlong oras."

"Lounge na lang, malaki space saka komportable gumawa," sagot ni Cadence.

Um-order lang kami ng pagkain sa cafeteria at saglit doong kumain bago dumiretso sa lounge na napapagitnaan ng Engineering at Architecture Department.

Sa totoo lang, bukod sa undying hate nitong si Paulo sa mga engineering students lalo na sa matalik niyang kaibigang si Tristan, mayroon na talagang rivalry sa mga department namin.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Iba-iba rin kasi ang usapan sa parehong department. May mga nagsasabi na kalimitang napagkukumpara ng mga professors ang dalawang departments.

Mayroon namang nagsasabing nagsimula iyon sa dalawang seniors namin from both departments. That was 10 years ago. Academic rivals daw but fell in love and unfortunately broke up.

Hindi ko alam kung totoo. Wala naman kaming kilalanh seniors namin na 10 years ago nang grumaduate para mag tanong kung totoo. Bukod doon, wala naman na akong nakikitang dahilan ng rivalry.

It's just that some students from both departments became entitled. Isinabuhay na rin ang rivalry kahit wala naman talagang dapat na pag-awayan.

Katulad ni Paulo at Tristan. Bukod sa paliwanag ni Paulo na iritado siya sa presensya at panananadya ni Tristan, wala na siyang ibang sinabing dahilan.

Pikunin at pikon.

Tanginang 'yan.

"Huwag na tayo rito."

Sumilip ako kung bakit sinabi iyon ni Cadence gayong siya rin naman ang unang nag suggest na gumawa sa lounge.

At doon ko nakita ang grupo nina Tristan.

Sumilip na rin doon sina Jacob at Paulo at nakita kong bakit nag suggest ulit si Cadence na huwag na lang doon gumawa.

Napa irap na lang sa kawalan si Paulo. "Dito na tayo. Hindi tayo ang mag a-adjust para sakanila," saka siya naunang pumasok.

Naka nguso ako nang pumasok sa loob, pigil na pigil ang ngiti dahil kung impyerno ito para kay Paulo, sa akin naman ay langit.

Maingay ang pag dating namin, naging dahilan para mag lingunan ang iilang naroon na pawang mga engineering students. Kami lang ang architecture students.

Naningkit ang mga mata ni Ishan nang tipid ko siyang nginitian. Kikindatan ko na rin nga sana kaso nahiya rin ako.

Malaki ang lounge. Ginawa talaga iyon para sa parehong department. Iyong mga lamesa at upuan ay talagang malawak na ginawa para komportableng maka gawa ng mga plates.

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon