Chapter 15Shirt
"So... we'll spend a lot of time with them?" Terry's eyes were closed a bit, trying to grasp what she just heard from Ays.
"If you just want to come with us in their studio. They offered it to us..." kalmadong sabi ni Ays.
Patapos na ang bakasyon at 'yon ang pinag-usapan naming magkakaibigan nang mag-aya ako ng sleepover. Nagpalitan din kami ng mga pasalubong. Nanlibre na lang ng pagkain si Seth dahil wala naman siyang pinuntahan noong bakasyon.
Nasa sala kami, nanonood ng kung ano-ano. Nakahiga si Seth sa sofa habang nagce-cellphone. She looked glowing because of her new routines. Na-broken kasi ang isang 'yan kaya nagpaganda nang sobra. Tinulungan namin siyang magkakaibigan. Mas lalo tuloy gumanda. Kawawa naman si Lorcan, ang laki ng kawalan.
Katabi ko naman si Ays na may inaayos sa laptop niya, mga schedule niya siguro. Si Terry naman ay nasa kabilang single sofa, gulong-gulo.
"Kung nando'n ka, pwede rin kaming mag-stay roon?"
Tumango si Ays kay Terry. "Kung gusto niyo lang akong samahan..."
Ayaw niyang mamilit pero ramdam ko na kailangan niya ang presensya namin. She'll do a project with the Velocity band. She'll co-write a song and she'll also sing parts of some songs. Kasama siya sa music club kaya siguro siya na discover.
"Okay lang sa akin!" buong loob na sabi ko.
"Siyempre makakasama mo si Eli," inaantok na saad ni Seth. Halos mahulog na ang ulo niya sa sofa. Sumasayad ang buhok sa sahig.
"He's liking your posts on Instagram. Close na kayo?" liko ni Ays sa usapan namin.
My eyes widened. "Uhm... medyo? Sakto lang."
"Mutuals din kayo, Ays?" tanong ni Terry.
"Yeah. They all followed me after I agreed to their request. Kaya nakikita ko na nagla-like si Eli..." Ays looked at me maliciously. Pero saglit lang 'yon.
Terry glared at me a little. "May tinatago ka 'no?"
Umiling ako. "Wala!"
"Paano 'pag wala ka sa studio, Ays? Bawal kaming mag-stay roon?" Seth brought back the topic. Nawala agad ang atensyon sa akin ni Terry dahil invested siya sa studio topic.
"Ang sabi ni Lorcan... treat the studio as our own place too. So... I think pwede kahit wala ako. The studio was huge anyway. May living room na naka separate sa recording room."
Tumango si Terry. She was... a bit excited and... worried. May ideya ako pero ayaw kong ungkatin, baka bigla niyang ibalik sa akin ang topic. Konti na lang mapapaamin na talaga ako.
When Seth and I locked eyes, she winked at me. I rolled my eyes with a smile. Yeah, she saved me from Terry. May kiss siya sa akin mamaya.
Enrollment nang nahalata na ni Ays at Terry na may something sa amin ni Eli. Ako lang kasi ang kinakausap ni Eli. Saka niya lang kinakausap si Ays kapag may importanteng tanong. Ako, kahit walang importanteng sasabihin, kinakausap niya pa rin ako. Ang pinagtataka ko, 'di nila ako pinipilit magkuwento. Hindi rin sila nagtampo!
Si Seth lang talaga ang bukod-tanging oa!
"Maingay ba kami sa studio niyo?" tanong ko kay Eli habang nasa sasakyan niya kami. Nagkusa kaming bumili ng snacks.
"Yeah..." sagot niya.
"Honest mo talaga," iling ko. "Ayaw niyo ng maingay? Sabihan mo lang ako para ayain kong lumabas sina Seth..."
