Silver 13

6.6K 251 83
                                    

Under The Silver Light 13

                                  ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆


"Naglalakad na ako, nasaan ba kayo?"

Maraming mga kababaihan ang ngumingiti at kumikindat. Tanging tipid na ngiti lang ang isinukli ko dahil bukod sa alak, wala na akong ibang kahihiligan kun'di si Ishan.

"Kararating ko lang dito sa tapat ng registrar, ang daming estudyante."

"Nakikita na kita, Pao," sabi ni Cadence.

Palapit pa lang ako sa registrar nang makita ang naka talikod na si Jacob, ang cellphone ay nasa tenga rin gaya ko.

Umakbay ako rito at itinuro na si Paulo na naghihintay sa registrar. "Ayon na rin si tukmol. Buti naman hindi na late," sabay turo sa palapit na ring si Cadence.

Pinatay na namin ang tawag at nag tipon-tipon sa harap ng registrar. Ang aga ng klase namin ngayong second sem schedule. Patayan, e. Paano pa kay Cadence na may training pa pagkatapos.

"Daming freshies."

Sinamaan ko ng tingin si Paulo. "Basta talaga babae ang linaw ng mata mo."

"Wow! Coming from you? Baka mamaya lang may kasama ka na sa isa riyan, e."

Sorry na lang, second year na rin ang pinupuntirya ko. Hindi ko pa nga nakikita, e. Dalawang araw ko lang hindi nakita pero miss na miss ko na. Pucha talaga.

Ano bang ginawa nito ni Ishan sa'kin?

"Ayoko mang purihin pero ang astig talaga ng uniform ng mga Engineering students," sabi ni Jacob habang naka tingin sa iisang direksyon.

Sabay-sabay naming sinundan ang tingin niya at nakita ang tatlong Engineering students na naglalakad, palapit at pasalubong sa amin.

Puta, nasabi ko na ba kung gaano kabagay kay Ishan ang uniporme nila? Hindi ko masyado iyon binibigyan ng atensyon noon dahil bukod sa iritado ako sa boyfriend niya, hindi ko pa no'n matukoy kung ano ba talagang nararamdaman ko.

Pero ngayon na gustong-gusto ko siya, tangina, ang ganda talaga ng uniporme nila. Hindi ko alam kung maganda ba talaga 'yung uniform o dahil siya ang nag suot no'n kaya naging maganda.

"Huwag nga kayong tumingin, para kayong nababakla, e," inis na bulong sa amin ni Paulo.

Sorry, Pao. Huli ka na. Bading na bading na.

Pabiro ko na lang i-flinex ang muscles ko. "Magandaa rin naman ang uniform natin, bakat na bakat ang muscles."

Nag tanguan sila at naka lagpas na rin naman sina Ishan habang si Cadence ay natahimik. Si Paulo naman, sinusundan pa ng tingin ang bestfriend niyang si Tristan.

Ewan ko sa dalawang 'yan. Ang laki ng problema nila sa isa't-isa. Kaka hate nila sa each other, mapapa love each other pa 'yan. Ako talaga unang tatawa kapag nangyari 'yon. Hindi ko titigilan sa pang-aasar 'yang hayop na si Paulo kapag nagkatotoo.

Pero sa ngayon malabo. Mas makati pa silang dalawa ni Tristan sa higad. Sila na ngayon ang nagpaparamihan ng babae dahil nag retired na kami ni Jacob.

Speaking of, si gago ayon naka ngiti na naman sa cellphone niya. May kinakalantari 'yan panigurado.

"Anong problema mo? Nabasted ni crush?"

Inirapan ako ni Cadence. Ang sungit, ah? "Wala. Huwag kang tsismoso."

"Nagtanong lang 'yung tao?"

"Huwag ka nang mag tanong lalo't hindi ka naman mukhang tao, naiirita ako sa'yo."

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon