Chapter 21

7.2K 212 60
                                        

Martha's POV:

"I will give you a happy family. I promise you, you will never regret it."

Wala akong nagawa at Napapikit nalang ng maramdaman ang labi niya na lumapat sa labi ko.

Hindi nagtagal, naramdaman ko nalang ang sarili ko na nakahiga na sa malambot na kama, wala ng kahit anong saplot.

"I love you so much, martha. The first time I saw you, alam ko na para sa'kin ka."

Hindi ko magawang sumagot, para akong nawawala sa sarili. Kung ano-ano ang tumatakbo sa isip ko.

Namalayan ko nalang na gumagalaw na si Santi sa ibabaw ko. Tulad ko, wala narin siyang kahit isang saplot. Kusang tumulo ang luha ko sa nakikita. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at nagpaubaya. Nakatulugan ko nalang ang pag-iyak.

Umaga na ng magising ako, tanging kumot lang ang nakabalot sa hubad kong katawan. Sa tabi ko ay si Santi na may kausap ngayon sa kanyang cellphone...

"Yes mom, I need you here as soon as possible..."

Kagaya ko, tanging puting kumot lang ang nakatabon sa ibabang parte ng katawan niya.

Tumagilid ako ng higa kaya naman nawala ang kamay ni santi na humahaplos sa buhok ko. Mukhang naagaw ko ang atensyon niya dahil bigla siyang tumahimik—

"Bring our family lawyer with you, mom. Bye."

Sandali lang ay naramdaman ko na kaagad ang paglapat ng labi niya sa gilid ng ulo ko.

"Good morning, love. How's your sleep?"

Hindi pa siya nakontento at maingat akong hinila papalapit sakanya. Gusto ko magprotesta pero nanghihina pa ang katawan ko sa nangyari. Masyadong malakas si santi, at dahil narin siguro sa kondesyon ko ngayon.

Hindi ako sumagot sa tanong niya at mas pinili nalang na tumahimik. Wala akong gana at wala rin akong lakas. Pakiramdam ko ay ubos na ubos ako sa mga oras na'to.

Hindi ko alam kung ano bang kasalanan ko sa mundong 'to at bakit ako pinaparusahan ng ganito. Ang tanging gusto ko lang naman ay magtrabaho.

"I had a good night sleep." Pag kekwento niya habang mahigpit akong niyayakap at hinahalikan mula sa likod.

Hindi pa siya nakontento dahil naramdaman kong pinapasok niya ang kamay sa ilalim ng kumot at mabilis na inabot ang hubad kong katawan.

Dahil don ay naglakas loob akong lumayo at mas ibinalot pa yung kumot sa katawan ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Maya maya lang ay ramdam ko na tumayo na ito. Rinig ko ang pagbukas sarado sa pinto kaya mabilis akong lumingon, lumabas siya ng kwarto.

Tumayo ako at hinanap ang mga damit na suot ko kagabi—

"Shit! Nasan ba kasi yon..." inis na sabi ko dahil sa hindi ko makita ang mga damit ko.

Inalis ko na yung comforter na tumatabon sa katawan ko at wala ng pake na lumakad lakad sa loob nitong kwarto. Para saan pa? Nakita niya na ito ng ilang beses, kahit labag sa loob ko.

Ilang minuto pa at wala akong nakita na damit. Malinis ang kwarto, maliban sa kama na nagkalat ang mga unan, dahil sa nangyari kagabi.

"Aray..." bigla akong napaupo sa gilid ng kama dahil ramdam kong biglang sumakit ang ulo ko.

Hindi tumagal ay naramdaman ko ang pag baliktad ng sikmura ko. Kaagad kong hinanap ang pinto ng bathroom at ng makita 'yon ay mabilis ko itong tinakbo.

Pagkabukas na pagkabukas ko nito ay kaagad akong napaluhod sa tapat ng bowl at sumuka. Kahit wala naman lumalabas mula sa bibig ko ay pilit ko parin idinuduwal. Hindi ko napigilan mapaiyak dahil sa sakit ng sikmura ko.

Matapos ang ilang minuto na pagsusuka ay dahan dahan akong umupo sa malamig na tiles, habol ang hininga ko, napaangat ang tingin ko sa taong nakatayo sa may pinto at prente akong pinapanuod.

"Are you done? Breakfast is ready, let's go?"

Naglakad ito papalapit sa'kin at tangkang tutulungan ako tumayo gamit ang paghawak sa braso ko pero mabilis ko itong tinabig at ako nalang ang tumulong sa sarili ko.

Lumapit ako sa may sink para hugasan ang bibig ko, nahihilo parin ako sa mga oras na ito at nakakaramdam narin ng sobrang pagka gutom.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, malalim ang mga mata ko at makikita ang Pagka stress. Sa kabilang banda ay nasa likod ko ang punot dulo kung bakit ko ito nararamdaman, hindi ko mabasa ang kung ano man ang nasa mata niya, pero seryoso lang itong nakatingin sa'kin sa salamin.

Ng magtama ang mga mata naman ay bigla itong ngumisi sabay labas at iniwan akong mag-isa.

Paglabas ko ng bathroom ay naabutan ko si santi na inaayos ang mga pagkain sa lamesa, hinila niya 'yon hanggang malapit ito sa may gilid ng kama.

"Come here, baby. You need to eat this, para maging healthy kayo ng anak natin." Malawak ang ngiti nito habang sinasabi yon. Rinig ko pa ang pag diin niya sa "anak natin"

At dahil gutom ako, hindi na ako nag-inarte pa at umupo nalang sa kama, sa harap ng pagkain.

.......

"Saint, anak..."

Nandito kami ngayon sa sala, dumating ang mommy ni santi, hindi siya nag-iisa dahil may kasama itong dalawang lalake. Ang isa ay mukhang papa niya, hindi ko alam. Pero sigurado ako na yung isa ay yung lawyer. Bukod sa naka corporate attire ito ay madala dala rin itong attaché case.

"Mom... tito Miguel" niyakap ni santi ang mommy niya at tinanguan lang naman ang tinawag niyang tito miguel.

Sandali pa silang nag-usap, maya maya ay ramdam ko ang pag lipat ng atensyon sa'kin ng mommy ni santi. Malawak ang ngiti nito na dahan dahan lumapit sa'kin.

Nasa likod lang ako ni santi, gulat ako ng mahigpit ako nitong niyakap.

"Congratulations, hija. Welcome to the family."

Hindi ko alam ang gagawin ko at hinayaan nalang siya na yakapin ako. Hindi ako yumakap pabalik.

Saglit lang naman 'yon at bumitaw narin siya.

"Saint, anak?" Pagtawag ng mommy ni kay santi na busy makipag usap dun sa mukhang lawyer.

"Mom?" Ng makalapit si santi ay pumwesto ito sa gilid ko at mahina akong hinapit sa bewang.

"Nakausap ko na si Attorney, Arevalo. It's all good."

"I know, mom. Nasa akin na ang mga papers, it's all set."

Kita ko ang malawak na pag ngiti ng ginang, maya maya pa ay lumapit ito kay santi at malambing na hinaplos ang pisnge ng anak.

"So? When is the wedding? Excited na ako!"

Halos mabingi yata ako sa narinig, mula kay santi ay bumaba ang tingin ko sa kamay niya na may hawak na mga papel. Hindi ko yon napansin kanina dahil pakiramdam ko ay nawawala ako sa sarili.

Bumalik ang tingin ko kay santi dahil mahina ako nitong pinisil sa bewang. Kaagad nagtama ang mga mata namin, sa hindi malamang dahilan, kinakabahan ako sa mga susunod niyang sasabihin...

Ngumiti ito sa'kin bago humarap sa mommy niya at sinabi...

"This week. This week, Martha and I will get married... right, baby?"

————————————————————————
: Happy New Year, mga bading! 🫶🏻

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My CEO's Obsession Where stories live. Discover now