Silver 12

6.2K 232 57
                                    

Under The Silver Light 12

                                   ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆


"Wala pa rin si Cadence?" tanong ko nang magkita-kita kami nina Paulo at Jacob sa parking lot, kakarating lang din.

Umirap si Paulo. "Tawagan niyo nga. Hayop talaga 'yang si Cadence, daig pa ang babae sa tagal kumilos."

"Malay mo dati pala siyang may kipay, pre," sabi ni Jacob.

Pareho lang kaming napa irap ni Paulo sa biro ni Jacob. Wala akong issue sa ganoon, parang ang weird lang isipin kung dating babae si Cadence o ang isa sa'min. Ang weird ng pakiramdam.

"Pumila na tayo kaysa maghintay, kuhaan na lang din natin siya ng pink form," suwestyon ko.

May kahabaan na ang pila nang makarating kami sa harap ng registrar para kumuha ng pink form sa program namin na may tatak. Iyon kasi ang basehan para sa enrollment fee at schedule kaya mahalaga ang pink form na 'to.

Habang naka pila ay tinext ko si Cadence, biniro ko pang parang bulkang sasabog na si Paulo dahil ang tagal niya. Nag reply naman itong papunta na raw siya.

Sumunod kong binuksan ang data ko at nag tungo sa messenger, iminessage ko si Ishan. Hindi ko pa siya nakikita o kahit sino sa mga kaibigan niya, medyo humahaba pa naman na ang pila sa mag shi-shift.

Cedrix Yu:

Naka pila na kami para sa pagkuha ng pink form, medyo mahaba na ang pila sa shifting students. Nasaan ka na?

Kanina kasi ay dinaanan ko ito sa unit niya para mag goodmorning. Gusto kong siya ang una kong makita ngayong araw kaysa sa mukha ng mga kaibigan ko.

Ishan Buenavista:

Kasasakay ko pa lang. Thanks sa update.

Gusto mo araw-araw pa kitang i-update, e.

Cedrix Yu:

Sabi ko kasi sa'yo sumabay ka na sa'kin, e.

Ishan Buenavista:

Hindi na, ayos lang kasi.

Sinanggi ako ni Paulo. "Ngiting-ngiti? Para kang baliw diyan, alam mo 'yon?"

"Problema mo? Nireregla ka rin ba, pre? Init ng ulo mo, ah? Inggit ka lang yata, wala ka kasing ka-chat."

"Hindi rin naman tatagal 'yang ka-chat mo kung magmalaki ka riyan!"

Gago 'to, ah? Pang habang buhay 'to, e.

"Doon ka nga! Naiirita ako sa mukha mo. Basher ka ng taon. Bitter!" irita kong sinabi at sinangga pa ang balikat niya.

Napansin naman iyon ni Jacob kaya natatawa niya kaming tinanong. "Problema niyo?"

"Ito si Cedrix ang OA, inasar ko lang na hindi naman magtatagal ang ka-chat niya napikon na."

"Tangina mo naman kasi! Jini-jinx mo agad, wala pa nga akong nasisimulan."

Hanggang paramdam pa nga lang ako. Swerte ko na lang talaga na nag re-reply pa sa akin si Ishan kahit madalas itong iritado at sarkastiko. Buti na lang din, kahit paano, nakaka usap ko sya.

Hindi nga lang kapag nasa University. Ewan ko lang ngayong semester, nitong sem break lang din kasi kami kahit paano naging malapit. Siguro kasi pareho kaming single.

At naamin ko rin sa sarili kong iyong dating pag hanga na nararamdaman ko sakanya, may espesyal na kahulugan na pala.

"Bakit, pre, seryoso na ba 'yang nakaka usap mo?" tanong ni Jacob.

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon