Silver 11

6.2K 253 86
                                    

Under The Silver Light 11

                                    ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆


Nakapasok na ako sa unit ni Ishan noong nalasing ako at nagkamali ng unit na pinasukan kaya ngayon ko pa lang napagmasdan ang loob ng unit niya.

Sabi nila, matutukoy mo raw ang ugali ng isang tao sa gamit o mismong bahay nito.

Halos pareho lang ang interior design ng unit niya sa akin. Mayroong isang kwarto roon at dining table katapat ng papasok sa kusina.

Marami ang gamit niya at lahat iyon, naka lagay at naka dekorasyon sa maayos na paraan. Maging ang mga furnitures na mayroon sya ay masasabing pinag-isipan talaga kung saan niya ipu-pwesto.

Huminto ako sa malaking pader na napuno ng certificates, medals, and other awards na mayroon siya. Punong-puno iyon at ang iba ay nagsisiksikan na lang.

"Baka naman matunaw 'yan," rinig kong sabi niya.

"Huh?"

"Ngayon ka lang ba nakakita niyan?"

Loko 'to, ah? Parang nagyayabang pa dahil mukhang sakanya ko lang nakita ang ganito karaming awards.

Pero kung siya lang din naman ang magyayabang, ayos lang. May ipagyayabang din naman, e.

"Ang talino mo. Ang talino rin siguro ng parents mo. Kanino ka nagmana? Sa father mo? Or sa mother?"

Mukhang natigilan siya sa tanong ko. Mariin ang titig na ginawa niya sa akin bago ipinagpatuloy ang kinakain. "I think my father. I'm not sure."

"Bakit naman hindi ka sigu—"

Agad niya akong pinutol. "Akala ko ba sasamahan mo akong kumain? Kung hindi, pwede ka nang bumalik sa unit mo."

Ang sungit! Magtatanong lang naman, e.

Dahil sa kasungitan niya, takot na akong tuluyan itong mawala sa mood kaya mabilis akong umayos ng upo at sinamahan siya sa hapag.

Kung tutuusin, busog na talaga ako dahil sa rami ng pizza na kinain ko, idagdag pa na kumain muna ako sa unit bago siya puntahan.

Pero ayoko namang panoorin lang siyang kumain mag-isa dahil siguradong sisipain ako nito palabas ng unit niya.

"Diet ako."

Hindi ako nagpatinag at nilagyan pa ng kanin at dalang kaldereta ang plato niya kaya nakita ko na naman ang famous bombastic side-eye niya sa akin.

"Luto 'yan ng mama ko, tikman mo. Masarap 'yan."

Tiningnan niya muna ako sandali bago iyon tinikman. Naka ngiti ko siyang pinagmasdan habang ngumunguya.

Wala akong pakialam kung isipin niyang parang baliw akong naka titig at naka ngiti sakaniya dahil sa totoo lang, ang ganda-ganda niyang tingnan.

Lumulubo ang malaman at makinis niyang pisngi dahil sa pag nguya. Iyong paraan niya rin ng pag nguya ay nakaka adik pagmasdan, naka nguso.

"Ganiyan ka ba talaga kumain?"

"What do you mean?"

Ngumuya ako at ginaya ang paraan niya ng pag nguya na naka nguso. "Ganito."

Kahit hindi niya alam kung bakit ko naitanong iyon, tumango pa rin sya. "Bakit?"

"Wala. Akala ko nagpapa cute ka sa'kin, e."

"Asa! Cute na talaga ako."

Tumango-tango ako. Hindi naman talaga ako tatanggi dahil kahit huminga lang sya, cute pa rin siya sa paningin ko.

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon