For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter Twenty Four

(SECOND HALF)

NAOMI.

"I cannot believe this," sabi ni Stephen habang papasok kami sa loob ng Star City.

Ilang beses na niyang inulit ulit sa akin ang mga katagang yan. Mula nang sabihin ko sa kanya kung saan kami pupunta, hanggang sa ma-stuck kami sa traffic, at maging sa pag p-parking niya, paulit ulit niyang sinasabi na hindi siya makapaniwalang sa Star City kami mag d-date.

"Ano bang hindi mo mapaniwalaan, ha?!" irita kong tanong sa kanya.

"That we're having our first date here."

"Ano naman problema doon?" nakapamewang kong tanong.

"Too cliché," kunot noo niyang sinabi. "Too cheesy. Masyadong pambata."

I knew it. Para sa isang kagaya ni Stephen, never niyang dadalhin ang mga babae niya rito. Mas prefer niya sa mas "private" na lugar.

Akala ng mokong na 'to makaka-isa siya sa akin ngayon, ha? Utut niya.

"Wag ka na kasing mag reklamo. Enjoy kaya diyan. Hindi pambata 'yan. Maraming nakaka thrill na rides diyan. Baka naman naduduwag ka lang kaya ayaw mo rito?" paghahamon ko sa kanya.

Ngumisi siya, "I'm not. Ano bang merong rides diyan, sasakyan ko lahat."

Napangisi rin ako. Edi pumayag din. Syempre hindi yan papayag na maapakan ang ego niya, 'no.

Bumili kami ni Stephen ng ticket. Doon pa lang sa ticketing booth, nagtatanong na siya sa kung anu-anong mga nakakatakot na rides sa loob at plano raw niyang sakyan. Nung inalok kami mag Laser Blaster at Winter Wonderland, tinanong niya kung anong meron doon.

And it hit me.

This is Stephen's first time sa Star City.

"Ngayon ka lang ba nakapunta rito?" tanong ko habang naglalakad kami papasok. Sa magkabilang side namin ay hile-hilerang mga booths ng paninda na parang tiangge.

Tumango, "yep, obviously."

"Pero Enchanted Kingdom nakapunta ka na?"

Umiling siya, "hindi pa rin."

"Ah, alam ko na, Disney Land? Universal Studios?"

Hinila ako ni Stephen at inakbayan, "ang dami mong tanong masyado."

Napatakip ako bigla ng bibig when realization hits me, "first time mong makapunta sa amusement park?" humagalpak ako ng tawa. "First time mo nga!"

"Nakokornihan kasi ako sa mga lugar na ganito," defense niya.

"Sus, kahit na! Kahit nung bata ka? Wala ka bang childhood?" pangaasar ko sa kanya.

"Wala," sagot niya.

Napahinto ako sa pangaasar at napatingin bigla kay Stephen dahil all of a sudden, bigla na lang siyang naging seryoso. There's a hint of sadness in his eyes na mabilis niyang naitago dahil agad siyang umiwas nang tingin sa akin at lumapit doon sa isang stall na nadaanan namin.

"Nami look!"

May in-angat si Stephen na dalawang animal shaped hats. Yung isa pig, yung isa naman dog.

Operation: Break the Casanova's Heart (Editing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!