DOS

33 0 0
                                    

"—I'm Claire Amnesty Jimenez, the transferee"

"Ano? Dynasty?"

"Hindi. Honesty yata eh"

"Tsk. Mga punyemas kayo, respeto naman sa transferee!" suway naman ng isang babae na nakaupo sa pinakaunahan. "Nako Claire, hayaan mo na yan sila mahilig lang talagang mang-asar—" pagkatapos ay nilingon nya yung ilang lalaki na nagsalita na nakaupo sa pinakadulo "—palibhasa kasi akala mo kung sinong mga feeler na gwapong-gwapo sa sarili pero kung tignan sa salamin, mukha namang paa ng kalabaw!"

Nagkaroon naman ng konting tawanan sa loob ng silid at ako naman ay humayo nalang at naghanap ng mauupuan.

Doon ako lumapit sa bakanteng silya sa may gilid ng bintana, sa may third row. Uupo na sana ako ngunit pinigilan ako ng isang babae na nakaupo sa likod nitong silya.

"Uy. May nakaupo na dyan" sabi nito at napabuntong hininga nalang ako. Di ko pa naman type na umupo doon sa second row sa likod ng babaeng sumuway kanina. Pero dahil sa wala akong choice, eh di dun nalang ako umupo.

Nang makaupo sa silya agad akong nilingon nung babae na nasa harapan ko at inilahad ang kanyang kamay.

"Hi! Ako nga pala si Glory. Claire Amnesty name mo diba? Ang unique naman ng pangalan mo—"

"Miss Crisostomo, ipagpaliban mo na muna ang pakikipagtsismisan sa seatmates mo dahil hindi yan nakakatulong sa klase! Now, let's start with our topic today.."

Pansin kong napairap ng kanyang mga mata si Glory at umayos nalang ulit ng upo sa kanyang silya pagkatapos ay nag-umpisa nang magbigay ng leksyon ang aming guro ngunit napadako naman ang mga mata ko sa bakanteng silya dun sa gilid ng bintana.

Nakakapagtataka dahil may nagmamay-ari na daw ng silya na yun pero wala namang nakaupo. Baka naman absent?

X

Agad namang nagsitayuan ang mga estudyante nang tumunog ang school bell, hudyat ng lunch time. Habang ako naman ay inumpisahang ayusin yung mga notebook ko at pinasok sa bag. Maya-maya ay nilingon ko kung sino yung kumalabit sa balikat ko.

"Uhm. Bakit?"

"Wala lang. Saan mo gusto maglunch?" Tanong ni Glory habang nakaupo sa desk nito.

"Ah. Sa totoo lang hindi ko alam eh. At saka, hindi pa naman ako gutom-"

"Sus. Nahihiya ka lang eh. Tayo na dyan at habang papunta ng canteen eh itotour kita dito sa campus!" Napalunok naman ako nang bigla nya akong hilahin upang tumayo at yumapos sa kaliwang braso ko. Wala na rin naman ako magagawa kung tatanggi pa ako eh hinila na nya ako palabas.

Hahakbang na sana kami palabas ng silid nang biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ng pinto at nabunggo nito ang braso ni Glory.

"Hoy ikaw na lalakeng mukhang kabute na bigla nalang susulpot tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" reklamo nito at nilingon ko yung lalaki na kakapasok lang.

"Teka, sya ba yung.." pagtuturo ko sa lalaking kakapasok lang.

Sa tingin ko sya yata yung lalake kanina na umakbay sa akin sa may gate. At sa tingin ko ay tama nga ang hinala ko dahil may lollipop na naman sya sa kanyang bibig. Kanina pa yang umaga ah? Hindi ba natutunaw yang lollipop sa bibig nya?

Bago pa man kami tuluyang lumabas ng classroom, napansin kong doon sya umupo sa bakanteng upuan sa gilid ng bintana na una kong nilapitan kanina. Ahh. Baka sya pala ang nakaupo doon.

"So sa ating classroom, hindi tayo umaalis ng silid kagaya ng mga ordinary schools na nakikita natin. Only teachers or professors lang ang pumupunta sa classroom natin every exchange period. Naiintindihan mo ba?" pagpapaliwanag sa akin ni Glory  habang nasa gitna ng hallway at tinanguan ko lang sya.

She who lost her MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon