Silver 07

8.8K 319 73
                                    

Under The Silver Light 07

                                  ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆


"Tangina mo, Cedrix! Hanggang hukay ko dadalhin ko ang galit ko sa'yo!"

Halos mamula sa inis si Cadence nang sabihin iyon. Kapapasok niya pa lang sa unit ko pero ito agad ang bungad niya sa akin.

Ayoko mang matawa, ngunit hindi ko napigilan lalo nang pumutok ang ubo ni Jacob sa sobrang pagpipigil ng tawa.

"Pa-fireworks na 'yan, pre, ah?" sabi ni Paulo.

"Tanga!" sabay tawa ulit. "Napanood ko kasi 'yung video tapos gets ko na ba't galit na galit si Cade rito kay Cedrix."

"Oo. Tangina parang bugaw siya ro'n sa video, e. Akala mo mamasang na nag re-record ng porn amputa."

Tawang-tawa ako habang hinahawakan ang braso ni Cadence na iniiwas niya, iritang-irita sa akin.

"Ang galing mo kasi, Cade, gusto ko lang malaman ng lahat ang skills mo."

"Skills amputa. Muntik na akong hindi makapag laro sa next season dahil sa ginawa kong kingina mo ka!"

Paano ba naman kasi, nag-aya silang uminom no'ng last day ng school year. Nagkataon na may kakilala ako roon na crush na crush si Cadence, ito namang si tanga na pasimpleng landi ay pumatol din.

Naka live ako no'n at nasaktuhan lang na naglalaplapan na sila ng babae kaya ipinakita ko na sa viewers kung gaano kagaling ang tropa ko.

Dapat nga mag pasalamat siya sa akin dahil pinasikat ko sya. Mas makaka hakot pa siya ng babae dahil malalaman nilang magaling pala sa laplapan ang kaibigan ko.

Tawang-tawa lang talaga ako dahil sa mga comments. Hindi ko rin naman inakalang mag vi-viral iyon. Nawala sa isip kong sikat na rin pala itong kupal na si Cadence dahil sa volleyball.

"Sorry na, pre," sabi ko, natatawa pa rin.

"Isipin mo na lang pagsubok 'yon sa buhay, Cade."

Umiling-iling ito, masamang-masama pa rin ang tingin sa akin.

"Kapag kasama talaga 'tong kupal na 'to, matik na susubukin ka talaga sa pasensya, e. Ang sarap manlumpo ng kaibigan sabay itatapon sa West Philippine Sea, e."

"Doon talaga ako nababagay, pinag-aagawan ba naman, e."

Lahat sila ay masamang tingin ang ipinukaw sa akin. Pinagbabato pa nga nila ako ng unan dahil sa kayabangan ko.

"Kaya ka iniiwan ni Hannah, e, ang baduy mo mag joke."

"Imbes na nakakatawa, nakaka sira ng araw, e."

Ako naman ngayon ang binigyan sila ng masamang tingin. "Grabe 'yung balik, ah? Namemersonal."

Doon sila natawa.

Hannah and I stop talking and stop what we have last school year. Hindi naging kami at hindi rin ako nanligaw ngunit tumagal din iyon ng halos anim na buwan.

I remained loyal for those months that we have. It was a week before final examination on second semester when she ended what we have.

Lilipat na raw kasi siya ng University, sa Bulacan dahil tiga roon naman talaga sila at nanalo bilang Governor ang Daddy niya.

Ayaw niyang mahirapan kaming dalawa at mas lalong ayaw niya ng long distance relationship kung sakali kaya siya na mismo ang nag desisyon na itigil na lang namin ang relasyon na mayroon kami.

Hindi ko na rin tinutulan pa ang desisyon niya. I respect her decision and there was a part of me who don't want to fight for what we have.

Ewan ko, nalungkot naman ako pero masyadong malalim ang salitang nasaktan para ilarawan ang naramdaman ko.

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon