Silver 06

6.7K 227 94
                                    

Under The Silver Light 06

                                    ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆


"Pre, kung tatakbo ba akong SK Chairman, iboboto niyo ako?"

Ano na namang drama nito ni Jacob? Noong nakaraan ang lalim ng iniisip niya. Akala namin kung anong problema, iyon pala iniisip niya kung sibuyas o bawang ba ang inuuna kapag naggigisa.

Tapos ngayon ito naman? Politiko? Tanginang 'yan, lakas ng tama, e. Naapektuhan na ba ng mga plates ang utak nito?

"May ubo ka ba sa utak, pre?" tanong ni Paulo.

"Kung bobo ang mga tiga sainyo, pre, baka iboto ka nga nila," sagot ko naman.

Sinamaan kami nito ng tingin. " 'Yung totoo kasi, mga gago!"

Luh! Seryoso ba talaga siya? Tatakbo ba siyang SK Chairman? Anong gagawin niya? Pa-liga? Libreng condom? O baka 50% discount sa mga club?

"Tanga! Kung seryoso ka, mag isip-isip ka, pre. Hindi biro ang pag pasok sa politiko. Dapat well-prepared ka sa lahat. Atsaka, make sure na may maia-ambag ka talaga."

Tama. May talino rin talagang tinatago itong si Cadence, e. Madalas lang talagang naka tago, hindi niya inilalabas kahit may exam. Nasobrahan sa gatekeep.

Tumango-tango si Jacob. "De natanong ko lang, nakita ko kasi 'yung plataporma ni Onin, pre," sabay tingin kay Paulo. "Tumatakbong SK Chairman si gago, tapos 'yung plataporma niya parang chinat GPT lang tapos 'yung credentials mythical five amputa. Naisip ko tuloy mas may kwenta pa kung ako ang tatakbo."

Tawang-tawa kami roon lalo na si Paulo. Kaaway niyan si Onin simula Senior High, hanggang ngayon na nasa college ay sa Eastern U rin siya nag-enroll kaya lalong naiirita itong kaibigan ko.

"Wala naman 'yong alam kun'di magpa laki ng bayag. Lahat yata ng ubo no'n napunta sa utak niya, e. Pa-famous, dinamay pa ang politiko."

Bumaling sa akin si Cadence. "Ikaw, Drix? Binalak mo ba pumasok sa politiko?"

"Iba gusto niyan pasukan."

"Sa bar 'yan papasok."

Pet peeves ko talaga silang dalawa. Si Cadence lang matino, e. Minsan. Minsan lang, ah?

Umiling ako. "Never. Tangina! Anong ia-ambag ko sa masasakupan ko, e, ako pa lang salot na sa lugar namin?"

"Oo, pre, tama 'yan. Baka ibalik ka sa China niyan kapag nalaman nilang pabigat ka lang."

"Ulol! Never nga akong naka punta ng China, ibabalik pa nila ako ro'n."

"Baka may farm kayo, pre, ah? Tapos tinatago mo lang sa'min na may milyones ka sa bangko."

Natawa ako. "Kung mayaman lang ako, ako pa nagpa-aral sainyo kahit alam kong masasayang lang ang pera ko dahil hindi naman kayo nag-aaral nang mabuti."

"Kapal ng libag mo!"

Hindi roon natapos ang asaran namin na kung saan-saan na napunta. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ba kami nag usap-usap nang talagang seryoso.

Madalas kapag may problema ang isa sa'min ay nagseseryoso naman kami pero hindi talaga matatapos ang usapan na walang nagpapa tawa sa akin.

Para kaming living meme at happy pill ng isa't-isa, parang hindi kumpleto ang araw namin kapag hindi kami nagbardagulan.

Isa iyon sa mga bagay na gusto ko sakanilang tatlo. Okay sila pagsabihan ng problema, talagang nakikinig sila at wala kang makikitang judgement. Maganda rin na nagagawa nilang pagaangin ang nararamdaman ng isa sa'min sa pamamagitan ng kagaguhan.

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon