Under The Silver Light 05
⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
"Daanan ka na lang namin diyan, pre, kasabay ko si Paulo ngayon."
"Huwag na, susunod na lang ako," sagot ko, nag sasapatos na.
"Bakit? Ayaw mo no'n makaka tipid ka sa gas? 'Di ba kuripot ang mga Chinese?" natatawang sinabi ni Paulo, nasa passenger seat nga siya ng sasakyan ni Jacob nang buksan nito ang camera ng video call.
Tarantado talaga itong si Paulo. Palagi niya iyang pang-asar sa akin dahil may lahing Chinese nga ako.
Pure Chinese kasi si papa pero laking pinoy siya. Hindi siya lumaki sa farm at kilala niya ang nanay niya maging mga naging teacher niya.
Ay, iba pala 'yon.
"Tanga! Huwag na nga, isasama ko si Hannah ngayon. Kita na lang tayo riyan," sabi ko.
Tumawa sila at tumango-tango. "Lumabas din ang tunay na dahilan."
"Lugi, may sariling lucky charm si bobo!"
"Hoy! Paulo! Iyang bibig mo ang bastos talaga," sita ko.
Itinaas niya lang ang gitnang daliri niya, natatawa pa rin. "Ikaw nga bastos na talaga."
"Sus! Same birds flock together," parinig ni Jacob.
Ang kapal naman ng mukha nitong si Jacob. Kung magmalinis akala mo wala siyang baho sa sarili, ang sarap lang yakapin sa leeg na walang bitaw, e.
"Payakap nga sa leeg, pre, 'yung walang bitaw."
"Ulol! Crush mo lang ako. Sumbong kita kay Hannah, e."
Ngumisi ako.
Speaking of....
Hindi ko talaga inaasahan na sasama siya nang ayain ko siyang manood ng laro namin. Nagkayayaan kasi kami nila Paulo na maglaro ng basketball sa malapit na covered court kina Paulo.
Suot ang puting plain t-shirt, black jersey shorts at sapatos, lumabas na ako ng unit ko na agad kong pinagsisihan.
Si Ishan kasama iyong bakulaw niyang boyfriend na kagagaling lang sakaniyang unit. Naka akbay ito sakaniya at mas lalo lang umangas ang tingin nang makitang naka tingin ako.
"Oh, Cedrix? Tiga rito ka pala?"
Oh, Vincent? Ang pangit mo pala talaga?
Umirap ako. "Hindi ba obvious?"
Humalakhak siya. Try to get fun of me. "You really have a bad mouth."
"Kaysa naman bad breath."
Nakita ko ang pag tikom ng bibig ni Ishan, tila pinipigilang matawa. Siniko nito ang boyfriend niya saka hinila ang t-shirt nito papasok sa elevator.
Pati ba naman linggo hindi nila ako titigilan? Sana magkaroon ng himala at mapunta rito si Hannah, nakaka gigil ang dalawang 'to.
Kapag kulang ako sa dugo, ipakita mo lang ang dalawang 'yan, talagang tataas ang dugo ko at kukulo pa.
"Ano? Sasabay ka ba, pre?"
"Pre?" sarkastiko kong tanong. "Close tayo?"
Umiling sya ngunit hindi naaalis ang ngisi sa makapal niyang labi.
Ayokong maging mapanlait pero kahit malabo ang mga mata ko, hindi ko pa rin mahanap ang kagwapuhan sa mukha ng lalaking ito.
Hindi rin naman sya mukhang mabait.
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light
RomanceBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix COMPLETE Sweet Serenade Series #2