Silver 03

8.2K 230 110
                                    

Under The Silver Light 03

                                   ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆


"Sa'n tayo?"

"Daanan natin si Cadence, patapos na ang training no'n."

Ang hirap din ng ginagawa ni Cadence, ah? May training sila pagdating ng hapon at gabi, kahit pa may ilang oras na pagitan at pahinga ay nakaka pagod.

Iyong pasok pa nga lang namin inirereklamo ko na, partida nagagawa ko pang isingit ang mga kagaguhan ko ro'n, ah?

Pag pasok pa lang sa gymnasium ay nairita na agad ako. Una ba namang nag tama ang tingin namin no'ng Vincent.

Hindi ko talaga malaman kung anong mayroon dito at gustong-gusto sya ni Ishan.

Hindi naman niya naman ako kapatid para umasta ng ganito pero naiinis pa rin ako. I really need to do some things to get distracted.

Ang mga ganitong problema, hindi ko na dapat iniintindi. Gusto nilang magmahalan, e, edi pabayaan.

Magmahalan my ass.

"Chiks sa taas, pre, naka tingin," sinanggi ako ni Paulo para ituro ang babae na nasa taas ng bleachers.

Oh, cute girl.

Ngumisi ako. Ang puti, naka apple cut ang gupit at siguradong Education ang course. Ang bait-bait siguro nitong mahalin.

Is this the right time to get serious?

Pucha, sobrang ganda at the same time cute sya dahil sa buhok nya. Singkit din at matangkad.

She looked at our direction but immediately looked away and focusing on her phone while the other two girls she's with is watching the volleyball game.

Hmm, snob?

"Ganda, pre, gago!"

Tumawa si Jacob. "Tipo mo talaga ang mga mapuputi at cute tingnan, no?"

Tumango ako.

May isa pa akong tipo. Iyon talaga ay pasok na pasok sa standard ko. If she's a girl, I'll probably bend my knees asking her on a date. I might get serious, too.

But this girl in front of me is really my standard also. She looks snob and challenging to approach, too. Iyon pa naman talaga ang mga tipo ko.

Masarap sa pakiramdam 'yung naghihirap kang kuhain ang loob, e. Ibang satisfaction kapag matapos kang sungitan at malditahan, e, lalambot din sa'yo.

I really need to get this cute girl's name.

"Cob, 'di ba tipo mo mga morena? Ayon oh!" sabay turo sa katabi ng natitipuhan ko. "Kausapin mo, mukha namang single."

"Tapos kuhain ko ang pangalan no'ng natitipuhan mo? Ayos din ng modus mo, ah?"

"Kunwari ka pa, gusto mo naman!"

"Ako na lang, nagtuturuan pa kayo," sabi ni Paulo sabay tulak sa aming dalawa ni Jacob.

I sighed. Nangunguna na rin talaga sa paramihan ng babae itong si Paulo. He's really fuckboy like me but in a more open way. While Jacob is the playboy who is hiding his shits really well.

Ako naman, okay lang. Alam na ng lahat na babaero talaga ako at hindi nagseseryoso. But, I only do it with girls who also know how to play.

Gusto ko ng mga cute pero iyong wild pa rin para iwas na maka panakit. Ayoko rin na umaasa sila, e.

But this cute girl might be an exception.

"Pwede ba kitang makausap, tol?"

Tol? Utol? Tangina kung ganyan mukha ng magiging kapatid ko, kahit maging only child na lang ako ay magpapasalamat pa ako.

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon