Under The Silver Light 02
⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆
"Congratulations, mga tarantado!"
Hindi ko maiwasang dambahin ng yakap ang tatlo habang wala silang kamalay-malay kung bakit.
"Problema mo?"
"Congrats daw kasi magiging ninong na tayo dahil nabuntis niya na si Angela, iyong girlfriend niya."
Bastos talaga ng bibig nitong si Paulo.
"Hoy! Hindi na kami no'n, iba ang nakakausap ko ngayon. Pero, congrats nga kasi sa'ting apat lalo kay Cadence."
Ang kaninang walang paki na si Cadence ay lumapit na rin sa akin. Narinig siguro ang pangalan niya.
"Bakit?"
I gave them my phone where I saw the result of the entrance exam. Naroon ang pangalan naming apat.
Tumalon-talon na rin sila sa tuwa roon saka kami nag apir isa-isa. Si Cadence naman ay agad chineck ang page ng MVT ng Eastern University at naroon naman ang pangalan niya sa mga naka pasok sa team.
"Inuman na!"
Tapos na ang SHS year namin nang i-anunsyo ang resulta ng exam. Hindi na rin kami minor kaya malaya na kaming nakakapag inom.
Hindi naman kami magmamalinis, kahit naman sixteen pa lang ay nag iinom na kami ngunit patago.
"Tito-paps!"
Naabutan namin ang magka akbay na mga magulang ko habang nanonood sa sala. Hapon na hapon at ang sakit nila sa mga mata.
"Tito-paps! Tita-mom! Bakit naman ganiyan? Nasasaktan kaming mga single rito, oh!"
Tumawa si mama. "Dapat lang maging single kayo at ang pag-aaral ang inaatupag n'yo."
"Speaking of pag-aaral, tita-mom," sabay baling sa akin ni Paulo. "Sabihin mo, Drix."
Kuryoso, tumayo sina mama at papa at lumapit sa akin habang binabalikan ko ang site kung nasaan ang resulta ng exam.
Nag akbay kaming apat nang i-abot ko sa mga magulang ang cellphone. Malawak ang ngisi naming apat.
"Ang apat na bugok ay mag-aaral na sa Maynila!"
"Let's go, Eastern U!"
"Para sa pangarap!"
"Padayon!"
Para kaming tanga na isa-isang nagsalita roon na akala mo'y natanggap na sa kung saan.
Nawala ang ngiti ni mama at masama ang tingin na ipinukol sa akin.
"Babe, when will you come back to our house? I miss you already, babe," basa nito sa cellphone ko kaya mabilis ko iyong inagaw.
Nakita kong bigla palang nag pop-up ang message ng bago kong nakaka landian ngayon. Si Rhia.
What the fuck?
"Sa nakikita at nalalaman ko, parang ayaw na kitang pag-aralin sa Manila. Baka maging lola agad ako sa pinaggagagawa mo, Cedrix!"
Rinig na rinig ko ang hagikgikan ng mga tarantado na tuwang-tuwa dahil nahuli ako sa sariling kalokohan.
I-go-ghost ko na nga lang 'tong si Rhia. Sinabi ko na sakaniyang ako ang mag cha-chat sakaniya kung magkikita kami, hindi nakikinig.
"Pa, asikasuhin mo ang mga bata. Mag-uusap muna kami nitong unico hijo mo," sabi nito habang nasa akin pa rin ang tingin.
"Gisahin mo, tita!"
BINABASA MO ANG
Under The Silver Light
RomanceBL story. (UNEDITED VERSION) Ishan x Cedrix COMPLETE Sweet Serenade Series #2