Silver 01

10.5K 288 93
                                    

Under The Silver Light 01

                                    ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆

"Saan kayo mag e-enroll sa college?"

Nag kibit balikat si Paulo na sinegundahan naman ni Jacob. Wala yatang mga pangarap 'to, e. Hindi alam amputa.

"Ikaw, Cade?"

"Mag t-try out ako sa Eastern U, kapag natanggap doon ako."

Eastern University? Sa Manila 'yon, ah?

Images of different clubs, bars, and new cute girls flashed in my mind. Studying in Manila isn't a bad thing, huh?

"Sabihan mo ako kapag naka pasok ka, diyan na lang din ako."

"Bakit? Si Cadence ba magpapa aral sa'yo? Ba't sakanya ka naka depende?"

Nag taas ako ng kilay kay Jacob. "Anong paki mo? Ikaw nga wala kang plano mag-enroll, e."

"Tanga, meron!" sabay baling kay Cadence. " Sa Eastern U na lang din ako kapag naka pasa ka."

"Ikaw, Pao?"

"Kahit saan ako."

"Sa bahay ka na lang, huwag ka na mag-aral. Kahit saan ka naman pala, e."

Ipinakita nito ang kamao nya. "Kita mo 'to? Papasok talaga 'to sa bibig mo."

Itinaas ko rin ang kamao ko. "Nakikita mo 'to?"

"Ano?"

"Edi kamao," sagot ko.

Tuwang-tuwa roon si Cadence at Jacob na may pahampas-hampas pa sa lamesa.

"Tanga! May entrance exam doon. Anong akala n'yo? Lista-lista lang sabay bayad ng tuition?"

Luh! Halatang nang-aasar 'yung tono, ah? Akala mo kung sinong pamangkin ni Albert Einstein kung magsalita itong Cadence na 'to.

"Kapal ng mukha mo! Kung may unang babagsak sa entrance exam, si Cedrix na agad 'yon."

Favorite talaga akong bwisitin nitong si Paulo. May pagka demonyo rin talaga, e.

"Ba't ako na naman?"

"Puro science ang tanong do'n last school year, e. Kung gano'n ulit ngayong taon, siguradong goodbye ka talaga."

Seryoso ba? Doon pa talaga sa pinaka mahina ako?

"Mag review na lang tayo pare-pareho para siguradong makaka pasa tayong lahat at walang maiiwan," sabi ni Jacob.

Buti pa 'tong si Jacob may kaunting sense maging kaibigan. Iyong dalawa wala, e, ido-down ka pa lalo.

Dedma na sa basher.

Tubong Cavite na talaga kami. Dito na lumaki ang lahat ng angkan ko kaya kung sakaling maka pasa nga sa Eastern University ay ngayon pa lang ako makakapag-aral sa labas ng Cavite.

Sina Paulo, Jacob, at Cadence ay mga kaklase ko simula grade 11 as a stem students. Noong una wala talaga akong balak kaibiganin sila dahil nayayabangan ako kay Paulo.

At hindi naman ako nagkamali sa hayop dahil talagang mayabang sya at nasasapawan ang kayabangan ko.

Akalain mong may mas kupal pa sa akin?

Si Cadence naman ay tahimik lang pero mukhang friendly. At si Jacob lang talaga ang nag lapit sa aming apat at ngayon halos hindi na kami mapag hiwalay.

Ako naman wala akong dream university basta makapag tapos sa kursong Electrical Engineering at makapasa ng board exam kalaunan.

Hindi ko na rin masyado inaalala ang papasukan pagkatapos mag-aral at maka pasa ng board exam. The Lorenzos' has a construction company, ako na agad ang kinukuhang head doon ng bayaw ko.

Under The Silver Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon