Chapter 10Next Time
"Imposibleng wala iyang feelings sa'yo," madiin kong sabi kay Seth. Tuwang-tuwa siya sa natanggap niya galing kay Seth. Isang paper bag na may lamang kung ano-ano. May note pa, ha!
Pumunta si Lorcan kasama si Eli sa gymnasium. Nang matapos ang practice, tinawag ako ni Lorcan. Hindi ko masabing close na kami, pero dahil parang may something sila ni Seth, ako ang nilalapitan niya o minsan ay pinagtatanungan. Hindi ko sinasabi kay Seth dahil bilin ng kabigan 'yon ni Eli.
Mga torpe. Birds of a feather flock together nga naman.
"Paabot sa kaniya mamaya, ayos lang?" kalmadong tanong ni Lorcan. He sounded polite. May kailangan, eh.
I couldn't calm down, not because of Lorcan, but because of the guy standing straight beside him. Kasama niya si Eli. Naglalaro na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Nakatingin kasi sa akin nang malapitan...
"Oo naman!"
"Thank you..." he said nicely but didn't smile.
I looked at Eli and... offered him a timid smile before I went back to Seth. Walang kamalay-malay ang kaibigan kong may matatanggap siya galing kay Lorcan.
Bago sila umalis, tinitigan ko lang pabalik si Eli. Gano'n pa rin ang epekto niya sa akin. It's as if his mere presence steals the very breath from my lungs, leaving me breathless and captivated by his existence. Dahil sa sunod-sunod naming eye contacts, sumuko na ako sa agenda kong kalimutan siya.
I decided to like him proud and confident. Ngayon, wala muna sa isip ko kung kaya niyang suklian 'yon o hindi.
"Wala 'yan! Baka friendly lang talaga siya," panlalaban ni Seth sa sarili niya pero kinikilig naman.
"Grabeng pagpapanggap 'yan," umirap si Terry. "Magpakatotoo ka na sa sarili mo. Gusto mo si Lorcan!" at saka ito tumawa.
"Shut up challenge ka," Seth rolled her eyes. "Friendly lang talaga siya. Saka baka na-cutan lang sa akin—"
"Para akong nasusuka," putol ni Terry sa kahibangan ng kaibigan namin.
I squinted my eyes. "Kung friendly siya, ba't 'di man lang niya ako nginitian noong inutusan ako? Clearly, he likes you!"
"Kapag 'yan nag-assume at na-broken, kasalanan mo," banta ni Terry sa akin. "Pero, what if nga 'no?"
"Let her enjoy the moment," bored na sabi ni Ays, inaantok na dahil kulang na naman yata sa tulog.
It was a blessing in disguise that Eli was friends with Lorcan. Mas lalong lumiliit ang mundo namin at nagkakaroon ng maliliit na interactions. Masungit pa rin siya, pero at least, ako lang ang babaeng nakakausap niya. Not all the time, but at least there's a progress! Doon naman nagsisimula ang lahat. Sa paunti-unti.
Tuwing nag-eensayo sila sa gymnasium, hindi ko mapigilang mapatili at isigaw ang pangalan niya. Kahit mainis na siya, basta gusto ko nang magpakatotoo sa nararamdaman ko! Malay natin doon ko siya makuha.
"Ang gwapo niya talaga! Handa akong languyin ang Cagayan river kung siya ang dulo," exaggerated kong sabi nang bumalik na kami sa court matapos silang tumugtog.
"At handa siyang magpatangay sa alon maiwasan ka lang," pagsira ni Seth sa excitement na naramdaman ko. "Sa ganda mong 'yan, you deserve someone better. Iyong kayang magpaka-vocal at maging expressive para sa'yo..."
I rolled my eyes and fixed my ponytail. Masama na ang tingin sa amin ni captain Kesian dahil late na naman. Lagi na lang late ang mga kaibigan niya.
"Patience is a virtue sabi nga nila," I chuckled.
