Chapter 8Lie
After recognition, my parents decided to leave in the US. Nakabili raw ng bahay at lupa ro'n si Daddy. They said it was for opportunity reasons that's why they left together. Ang totoo niyan, hindi nila ako sinama, pero 'yon na lang ang sinabi ko sa mga kaibigan ko. Na pinili kong mabuhay mag-isa kahit bata pa.
I love the Philippines, I love my friends, and I couldn't see myself living abroad for good too. At isa pa, hindi nga rin naging option sa akin ang pagtira sa ibang bansa... dahil hindi naman ako binigyan ng choice. I was forced to live by myself here.
Grabe ang iyak ko no'ng umalis na sila. My friends slept over that night, but that didn't alleviate the pain and distress I was feeling. Confident naman ako na wala silang ibang pamilya maliban sa kung anong meron kami, pero hindi ko mapigilang malunod sa mga kaisipan ko.
Hanggang sa nasanay na lang ako na bumibisita sila sa akin. Minsan isang linggo, o dalawa. Pagkatapos ay babalik din kaagad sa US. Iyong foundation ni Mommy, hindi na siya ang may hawak.
Wala naman kaming financial problem, kaya bakit pa maghahangad ng ibang opportunities? Marami kaming ipon, at kahit ako ay may sarili ng pera.
I knew they were hiding something from me. At kahit anong pilit kong gatasan sila ng eksplanasyon, wala akong makuha sa kanila. They just wanted me to study harder and claim my dreams. They just wanted me to focus on my life. Pero pamilya kami. Dapat focus namin ang bawat isa, 'di ba?
"Anderson at Vasquez," tawag sa amin ni couch. "Kahit hindi pa kayo first six, maglalaro pa rin kayo sa interhigh."
Tumango kami ni Seth habang hinihingal. We decided to play because of Kesian's favor, but eventually, we learned to love the sport too. At sa tuwing naglalaro ako at napapagod pag-uwi, mabilis akong makatulog. That way, hindi ko na kailangang mag-isip ng kung ano-ano.
"Bihis lang ako sa room!" sabi ko sa mga kaibigan ko nang ma-dismissed na kami. "Ikaw, Seth?"
Umiling siya. "Sa bahay na para diretso shower."
Hula ko, tamad na siyang umakyat ng classroom.
"Oki!" sabi ko at iniwan sila sa labas ng gymnasium para pumunta sa classroom.
Hindi ko kasi matagalan ang pawis. Ayaw kong nanlalagkit. Nakakahiya rin sa service ni Ays dahil baka mapawisan ko. Sa amin kasi ni Seth, mas pawisin ako. Mas lalo pang naging pawisin dahil sa pagsali ko ng volleyball.
Wearing my maroon pair of jersey, I walked alone in the corridor. Naka-ponytail ako nang mataas, hinihingal habang naglalakad. I adjusted my shorts a bit dahil tumataas. Maikli kasi talaga ang jersey shorts namin.
Pagliko ko, napalunok ako dahil... makakasalubong ko ang grupo nina Eli. Nagkatinginan kami ni Basty at tipid lang itong ngumiti. I didn't look at Eli again but I saw him first. Mas tumangkad, gumwapo, at mas lalong naging malamig ang awra nito.
My heart was beating rapidly. Lalo na nang malapit na kaming magkasalubong. I bowed down a little when we walked past by each other. Na parang... walang pinagsamahan noon.
We were back to being strangers, but this time... with shared memories.
Hindi pa sobrang tagal mula no'n. Isang taon pa lang ang nakalipas, pero sa totoo lang, tuwing nakikita ko siya... parang kahapon lang yung pinagsamahan namin.
Masakit pa rin ba? Oo naman. Hindi pa nakakatulong na lagi kaming nagkikita dahil same school. Pero at the same time, masaya pa rin ako tuwing nakikita siya. I just really couldn't get him out my system. He was like a permanent tattoo... and I couldn't do anything about it but only appreciated it every time I saw it.
