Chapter 7Heartless
Monday, sa flag rite, okay pa kami. We even stole glances from each other. The day was filled with butterflies and hope that we could be more than what we were. But then, it suddenly stopped.
Monday night, he didn't reply to me. Sa isip ko, baka busy lang siya. Pero nang i-check ko ang Instagram niya at deleted na 'yong post, doon ko naramdaman na may mali.
"Higher year 'yong kausap mo? Kumakalat na nag-uusap kayo ni Kuya Topher. Iyong photo journalist ng school publication," Seth told me after they bought snacks. Kasama niya si Terry at naiwan sa akin si Ays sa classroom.
"Huh? 'Di kami nag-uusap no'n!" My eyebrows hardened. "Nag-reply lang ako sa tanong niya."
I was annoyed. Baka kinakalat niyang nag-uusap kami, eh siya nga itong chat nang chat pero 'di ko nire-replyan.
Topher: Seen lang?
Topher: Bakit? Kayo na ba ni Eli? Wala naman 'yong pakialam kahit kanino.
Topher: Punta ka ba sa sabado? May mga hindi kasi na-shoot na angles.
Topher: Hey?
Topher: Tulog ka na ba? Online ka pa naman.
He was so annoying. Gusto kong sabihin na hindi ako interisado sa kaniya pero ayaw ko rin kasi talagang mag-reply. Pinagsisihan ko pa nga 'yong una kong reply sa kaniya.
Topher: Hi, this is Topher! Do you want copies of your pictures?
Ako: Sure po!
Of course, I also wanted to have copies of my own pictures kaya rin ako na-excite at nakapag-reply. Pero nang chat na siya nang chat ng unrelated stuff, 'di na ako natuwa.
"Inaasar din siya kanina. Swerte niya raw sa'yo," dagdag ni Terry at pinatong sa lamesa ko ang mga pinabili ko sa kaniya. "Bayaran mo 'yan, ah? Mamaya nagkukunwari ka lang na walang barya!"
Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi. "Kinakalat ni Topher na nag-uusap kami?"
"Parang gano'n na nga. Hindi naman kakalat kung hindi siya ang nagsabi..." sagot ni Seth. "Hindi ba siya 'yong kausap mo? May hitsura rin naman 'yon pero mukhang mayabang. Dami kong naririnig tungkol sa kaniya. Tirador daw ng lower year..."
I was stressed. Bigla kong naisip na kaya siguro hindi nag-rereply sa akin si Eli dahil doon! Dahil sa gagong 'yon. Assumera at tanga. Bwisit.
"You should tell him to stop spreading fake news," singit ni Ays, umiinom ng probiotic drink.
I sighed out of frustration. "Nakakainis! Hindi ko talaga 'yon gusto. Kadiri siya!"
Seth laughed. "Sino ba kasi iyong crush mo?"
"Kaklase niya," sabi ko, kunot pa rin ang noo dahil sa inis. "Nakakainis! Mamaya narinig niya 'yong rumors, isipin na two-timer ako!"
"Narinig niya na talaga 'yon. Kaklase pala, e..." Umiling si Terry, nakatayo sa harap namin ni Ays. "Hindi ka na re-replyan no'n."
"Lalo na kung seloso..." may pang-aasar sa boses ni Ays. She shrugged when I glanced at her. "Kidding."
Humalakhak si Seth. "May mga lalaki pa namang mabilis ma turn off..."
I wanted to visit his classroom but I was too ashamed to do that. Baka mas lalo lang din umapoy ang usap-usapan tungkol sa amin ng tangang Topher na 'yon!
Bakit ba kasi siya nagpapakalat ng kung ano-ano?!
I messaged Eli that night. I was entirely bothered and worried. Baka nga... na turn off na.
